^

PSN Opinyon

BSP: Pinutol ang bituka ng online gambling

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PARA sa mga sugapa sa online sugal, malamang ramdam ninyo ngayon ang tila pagputol ng bituka.

Sa utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas na idiskonekta ang mga e-wallet sa lahat ng online gambling, biglang natigil ang daloy ng pera na dati’y parang gripo na bukas 24/7.

Sabi nga, isang iglap, tumigil ang bisyo. Walang abiso. Walang pasintabi.

Ito ang sampal na matagal nang hinihintay. Taun-taon, bilyun-bilyong piso ang nilalason sa ilusyon ng “baka manalo ako.”

Pero habang kayo’y tumititig sa mga kumikislap na graphics at digital na roleta, unti-unting nawawasak ang bahay ninyo, nalulustay ang ipon, at nilalamon ng utang ang kinabukasan ng mga anak ninyo.

Ang online gambling ay hindi lang laro isa itong mabangis na karnabal ng pagkawasak.

Ngayong pinutol ng BSP ang inyong lifeline, ito ang oras para mag-isip. Kung ang unang reaksyon ninyo ay galit, tanungin ninyo ang sarili: galit ba kayo dahil pinutol ang kalayaan ninyong sirain ang buhay ninyo?

O dahil wala na kayong madaling lusutan para magtapon ng pera?

Huwag niyo nang asahan na laging may magpapautang sa inyo ng kapalaran. Ang suwerte, hindi hinihintay sa roulette—kinakayod sa totoong buhay.

At kung may natira pa kayong dangal at sentido kumon, iwanan ninyo na ang bisyong ‘yan habang may natitira pang hindi naisasangla sa pangalan ninyo.

SUGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with