^

PSN Opinyon

Dapat saklolohan mga taga-Dinapigue, Isabela

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NASA mapanganib na kalagayan ang mamamayan ng Dinapigue, Isabela kung saan nagmimina ang Dinapigue Mining Corporation (DMC), subsidiary ng Nickel Asia Cor­poration (NAC) na pag-aari ni Manny Zamora. Kalbo na ang mga bundok doon dahil sa pagmimina.

Naninindigan naman ang DMC-NAC na nasa labas ng Sierra Madre National Park ang kanilang minimina at naa­ayon ang 25-years mining permit sa prinsipiyong res­pon­sible mining.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Dinapigue at DENR, pinayagan nila ang DMC-NAC dahil dumaan ito sa tamang proseso na nakasaad sa Republic Act 7942 (Philippine Mining Act of 1995).

Subalit nababagabag ang mamamayan sa trahedyang idudulot ng pagmimina ng DMC-NAC. Nakikita nila ang ma­lawakang pagkakalbo ng kagubatan sa bahagi ng Northern Sierra Madre sa Dinapigue. 

Tanong ng mga residente, ano na ang magiging itsura at kalagayan ng lugar sa hinaharap? Ano ang mangyayari sa Sierra Madre na nagsisilbing panangga ng Hilagang Luzon sa mga malalakas na bagyo?

Hindi lamang taga-Dinapigue ang malalagay sa pa­nganib sa walang patumanggang pagmimina ng DMC-NAC, kundi pati na rin ang mga taga-Rizal at Metro Manila. Magdu­dulot nang matinding pagbaha ang ginagawang pagmimina.

Maraming malalagay sa panganib dahil sa ginagawang pagmimina. Kumilos sana ang DENR ukol dito. Hindi ito dapat ipagwalambahala at ipagkibit-balikat.

CORPORATION

MINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with