Impeachment i-rerefile
KUNG sarado na ang lahat ng daan para maisulong pa ang impeachment case Laban kay VP Sara Duterte, maaring ito’y muling isulong sa maagang bahagi ng susunod na taon.
Ito ang sinabi ni Akbayan Representative Chel Diokno isang TV interview.
Kaya lang, tiyak na gagawa ng paraan ang mga sympathizers ni Sara upang sagkaan ang ano mang tangkang buhayin ang kaso laban sa Bise Presidente.
Ayon Kay Diokno, posible ang impeachment next year basta’t pananatilihin ng Korte Suprema basta’t nananatili lang opinyon legal ng Korte na kaya “unconstitutional” ang impeachment.
Maaaring ngayon pa lang ay umaandar na ang utak ng mga think-tanks ni Sara at Ina-anticipate na ang next move ng kalaban nila.
Puwedeng makipag-unahan ang mga iyan sa pag-file ng mahinang kaso upang mawalan ng saysay ang lehitimong impeachment complaint.
Sabi nga ng kasabihan, there are many ways to skin a cat. Para-paraan iyan wika nga.
Huwag ng bayaang mangyari pa ang masaklap na kinahantungan ng naunang impeachment complaint na ngayo’y tuluyan nang inilibing.
- Latest















