^

PSN Opinyon

Bansang naluray

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Isang malubhang karamdaman ang pagkakahating puli­tikal, tulad ng nangyayari ngayon sa Pilipinas. Ang nawiwin­dang ay ang mga institusyon ng pamahalaan na dapat sana’y sandalan ng mga mamamayan sa pangangalaga ng demo­krasya.

Lubha nang nahahati ang mga mamamayan sa mga pulitikal na personalidad na pinapanigan at ipinagtatanggol. Alam n’yo na ang tinutumbok ng aking pahayag. Ito ay ang may kinalaman sa impeachment complaint laban Kay Vice President Sara Duterte na ayon sa ruling ng Korte Suprema ay labag sa Konstitusyon.

Kapuri-puri ito sa mga mamamayang kapanalig ni Sara ngunit karima-rimarim sa mga nagsusulong ng impeachment.

Ayon naman sa survey ng OCTA Research, sumadsad ang trust rating ng Senado dahil ang karamihan ng mga senador ay kapanalig ni Sara habang tumaas daw ang sa Mababang Kapulungan na pursigidong mahatulan ang Vice President.

Ibig sabihin nito, ang kredibilidad ng mga institution ng pamahalaan tulad ng Korte Suprema, Senado, Mababang Kapulungan o Ehekutibo ay nakabase sa paniniwalang pam­pulitika ng mga tao.

At dahil sa malaya at ‘di makontrol na pagpapahayag ng mga tao sa social media, nakikita natin na ang ating bansa ay durog na at luray pa.

Sana naman, matauhan na ang mga hard core na puma­panig at dumedepensa sa kanino mang political personality. Wala akong natatanaw na mabuting kahihinatnan ng ganyang sitwasyon.

Kung wala nang sangay ng pamahalaan ang maaaring pagkatiwalaan, wala na tayong kapag-a-pag-asang umahon sa kinasadlakang lusak.

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with