^

PSN Opinyon

Nawawalang sabungeros: katarungan nabibili ba?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA kaso ng 34 na nawawalang sabungeros magkakaalaman: for sale ba ang hustiya? Daan-bilyong pisong raket kasi ang e-Sabong.

Apat na taon na nu’ng kinidnap at pinapalagay na pinatay ang 34 sabungeros. Tatlumpu’t tatlong lalaki, dalawang menor-de-edad, at isang babaing buntis. Dinaklot sila sa mga sabu­ngan sa Laguna, Batangas, Bulacan, at Manila. Lahat ‘yon na­ganap nang maliwanag na araw. Lahat may nakakita. ‘Yung iba na-bidyo pa sa security cameras.

Pero walang testigong naglakas loob na ituro ang mga salarin. Ipinapalagay na ilan dito ay mga pulis na sanay mag-“salvage” ng pinaghihinalaang kriminal o adik.

PNA file photo

Ang sala raw ng 34 sabungeros ay pandaraya. Tsinope ang sariling manok, tapos pumusta nang malaki sa kalaban. Maraming paraan ng pag-tsope ng manok: pinalalanghap ng pulbos na pampahina, binabalian ng pakpak, sinosobra­hang higpit ang paggoma ng tari para mamitig ang binti, at iba pa. Madali lahat mabisto ng ekspertong kristo sa sabong.

Ordinaryo lang sa sabungan na ginugulpi ang nangtsope. Pero lumabis ang parusa sa kanila sa e-Sabong. Lango kasi sa malaking kita ang mga sindikato nito.

Sa kasagsagan ng e-Sabong, pitong sindikato ang nagpapasultada 24/7. Dalawa hanggang limang minuto lang ang bilis ng sultada, patay na kaagad ang isa sa dalawang manok­. Daang-milyon ang pusta online.

Umaabot nang P3 bilyon ang gross kada araw. Nobenta porsyento ay pang-payout ng panalo. Diyes porsiyento – P300 milyon – ang neto.

Mula sa P300 milyon kada araw, kayang bilhin ng sindi­kato ang katahimikan ng mga opisyales ng Malacañang, Kongreso, Hudikatura, Department of Justice at Interior and Local Government, PNP, NBI, at lokal na opisyales. Pati obispo ng iba’t ibang relihiyon ay matatapalan ng pera ang mata, taynga, bibig. Masusuhulan ang media.

SABUNGEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with