^

PSN Opinyon

Mangangalakal, karpintero, at nawawalang pitaka

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

(Hindi alam kung sino ang umakda nitong kuwento na isina-Tagalog ko.)

SA Frankfurt nu’ng siglo 1800 nawala ang pitaka ng ma­ngangalakal sa loob ng palengke. Laman nito ay tumata­ginting na 800 guilders – makakabili ng 20 kabayo nang pa­nahong ‘yon.

Napulot ito ng karpintero. Bagama’t ugaling matapat, pinasya niya na hintaying dumating at maghanap ang may-ari. Kung hindi, naisip niya na kapalaran niyang biglang magkapera.

Kinalingguhan inanunsiyo ng kura sa misa ang nawalang pitakang may 800 guilders. May 100 guilders na pabuya sa sinumang magsosoli.

Wikipedia

Dahil na konsensiya, dinala ng karpintero ang pitaka sa pari, na tinawag naman ang mangangalakal. Nagitla ang lahat nang isigaw ng mangangalakal na, “Dapat 900 guilders ang laman nito, ninakaw mo ang 100 guilders.”

Itinatwa ng karpintero ang paratang at pinatotohanan ng kura ang katapatan nito. Pero naghabla sa korte ang manga­ngalakal.

Dumalo ang taumbayan sa paglilitis. Siksikan sa silid ng hu­ku­man. Tinanong ng huwes ang mangangalakal, “Sumu­­sumpa­ ka ba na 900 guilders ang laman ng nawala mong pitaka?”

“Oo,” anang mangangalakal, tangan-tangan ang Bibliya.

Tapos tinanong ang karpintero, “Sumusumpa ka ba na 800 guilders ang laman ng pitakang napulot mo?”

Sumumpa rin ito sa pawang katotohanan.

Sumandal ang huwes at marahang nagdeklara, “Malinaw na ang pitakang may 800 guilders ay hindi sa mangangalakal na nawalan ng 900 guilders. Maari itong iuwi ng nakapulot at dapat patuloy hanapin ng mangangalakal ang nawawalang pera niya.”

Nagbunyi ang taumbayan sa katarungan. Hinangaan ang karpintero. Walang nakuha ang mapagkamkam na manga­ngalakal.

PALENGKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with