^

PSN Opinyon

Basura pa rin ang problema

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na ang tag-ulan, pati na ang panahon ng mga bagyo. Tuluy-tuloy na pag-ulan ang dala ni Crising sa Metro Manila. At kapag ganyang malakas ang ulan, sigu­rado may mga lugar na magbabaha pa rin. Hindi na talaga na­lutas ang problema ng pagbabaha sa Metro Manila. Ilang administras­yon na ang lumipas, ganun pa rin ang dinaranas nang ma­rami kapag malakas ang ulan o may bagyo.

Sa tingin ko, hindi talaga malulutas ang problema ng pag­babaha kung hindi matutukoy ang pangunahing problema, ang pagtatapon ng basura kung saan-saan partikular sa mga estero. May napanood akong video sa YouTube tungkol sa Bangladesh na may pinakamatinding problema sa polusyon sa buong mundo. Barado ng basura ang mga estero na pu­wedeng lumakad sa ibabaw sa kapal.

Mahalaga ang mga estero para sa daloy ng tubig patu­­ngong mga ilog, lawa at dagat. Kapag barado, diyan nagsi­simula ang pagbaha. May grupo na nagtanggal ng mga basura para makadaloy ang tubig. Kitang-kita na kapag na­wala ang basura ay dumaloy ang tubig. Ang malungkot, ilang araw lang ay barado na naman ng basura ang basura kaya pan­samantalang solusyon lang ang naganap sa Bangladesh.

Iyan din ang problema natin, basurang itinatapon sa mga estero. Ang Pasig River ay dumadaloy mula Laguna de Bay patungong Manila Bay. At ang mga estero ay konektado sa Pasig River. Ganito rin ang Marikina River. Lahat iyan ay konektado para dumaloy ang tubig papuntang Manila Bay. Kapag may bara sa anumang daluyan ng tubig, baha ang resulta.

Ang Manggahan floodway na ginawa para ilihis ang tubig mula Marikina River patungong Laguna de Bay. Pero may mga panahon na hindi rin ito sapat para pigilin ang pagbabaha sa Manila.  

Kailangan talaga matukoy ng mga lokal na pamahalaan pati ng gobyerno ang problema ng pagtatapon ng basura sa mga sapa, lawa at ilog. Maraming nakatira sa paligid ng Pasig River. Hindi dapat itinatapon ang basura sa ilog. Kundi, kahit anong paglinis ang gawin ng gobyerno, mauuwi rin sa wala. Kuwento ng mga nakatatanda sa akin, nakakalangoy sila sa ilog Pasig dahil malinis.

May mga proyekto para buhayin nga ang ilog Pasig. Pero mahirap labanan ang modernisasyon at kaunlaran ng lungsod. May kabayaran talaga. Isipin na lang natin kung sa linis ng ilog Pasig ay nalalanguyan pa rin ng tao. Napaka­ganda siguro.

CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with