^

PSN Opinyon

Social cancer ang pagsusugal

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

ANG sugal, legal man o ilegal ay hindi makapagdudulot ng kabutihan sa moralidad ng tao, bagkus, lalung makasasama. Walang ano mang regulasyon na maipatutupad ang pamahalaan upang gawing banayad ang pagkahumaling sa sugal.

Ito ay nagbubunga ng pagkagahaman. Habang nananalo, lalung naghahangad na lumaki ang panalo. Habang natatalo, gustong makabawi ng isang sugarol, kaya sa dakong huli, ubos ang pera pati ari-arian na isinanla o ibinenta.

Naghahanda raw si Sen. Sherwin Gatchalian ng bagong bill na nagpapataw ng parusa hindi lamang sa mga operators ng illegal on-line gambling kundi pati na sa mga personalidad ba nag-eendorso nito. Pero bakit illegal online gambling lang?

Para sa’kin lahat ng uri ng sugal ay dapat ipagbabawal. Walang sugal na dapat gawing legal kahit magdudulot pa ng trilyones na kikitain sa pamahalaan. Gaano man kalaki ang revenue na maidudulot ang gambling sa pamahalaan, hindi matutumbasan ang pagkasalanta ng buhay ng taong nalulong sa ganitong bisyo.

Masyadong malabnaw ang batas laban la’ng sa illegal gambling operations sa internet. Kung inaalala ng mambabatas ang bilyones na mawawala sa pamahalaan kung ibabawal ang sugal na aprobado ng gobyerno, ang corruption ang dapat sugpuin. Iyan ang lumalamon sa malaking porsiyento ng pera sa kaban ng bayan.

Napakasama ng epekto ng bisyong pagsusugal: Dahil laging talunan, mauubos ang kabuhayan at nasisira ang pamilya. May iba pa na nagagawang magnakaw at pumatay upang makakuha ng puhunan sa pagsusugal.

SUGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with