^

PSN Opinyon

Raffy Tulfo, bida ng bayan sa Senado

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SA panahong tila walang kakampi ang karaniwang Pilipino, may iilang lider pa ring handang tumindig para sa masa. Isa na rito si Sen. Raffy Tulfo na muling pinatunayan na hindi siya tatalikod sa panata niyang maging tagapagtanggol ng mga naaapi at nangangailangan.

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, kamakailan, inihain ni Tulfo ang ikatlong batch ng kanyang mga panukalang batas para sa 20th Congress. Hindi ito mga pangkaraniwang panukala. Lahat ay tugon sa mga tunay na hinaing ng madlang Pinoy mga problemang matagal nang ipinagsawalang-bahala ng ilan sa kapangyarihan.

Isa sa mga pinakamalaking hakbang niya ang panukalang pagbabawal sa lahat ng anyo ng online gambling sa bansa. Alam nating lahat kung gaano karaming pamilya ang nasira ng bisyong ito, mga magulang na nalulong, kabataang nagkautang, at mga ugnayang gumuho dahil sa sugal. Hindi ito simpleng isyu ng bisyo, ito’y usapin ng kabuhayan, kinabukasan, at dangal. Dito, malinaw ang tindig ni Tulfo tapusin na ang salot na sugal online.

Hindi rin nalimutan ni Tulfo ang senior citizens at mga mahihirap. Ipinanukala niya ang libreng pustiso, salamin, at hearing aid para sa mga senior at indigent patients. Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo, ang simpleng pagkarinig, paningin, at maayos na pagkain ay nagiging luho para sa ilan. Para kay Tulfo, hindi dapat ipagkait ang mga ito sa mga higit na nangangailangan.

Bukod dito, isinusulong din niya ang panukalang batas na mag-oobliga sa paglalagay ng CCTV sa mga kritikal na pampublikong lugar. Sa panahong dumarami ang krimen at banta sa seguridad, kailangang tiyakin ang kaligtasan ng bawat Pilipino. Ang CCTV ay hindi lamang panakot sa mga masasamang loob, kundi katuwang ng katarungan sa paghahanap ng katotohanan.

Sa kabuuan, hindi ito mga panukalang gawa-gawa lang. Ito’y may laman, may layunin, at may puso. Sa bawat panukala, may nakikita tayong mukha ng isang ordinaryong Pilipino isang ina, isang ama, isang lolo o lola, isang batang nangangarap nang mas ligtas at maayos na buhay.

Sa Senado, nananatiling matatag si Tulfo sa kanyang paninindigan. Hindi siya perpekto, pero malinaw ang kanyang direksyon ang ipaglaban ang kapakanan ng mga Pilipino, lalo na ang mga napababayaan. Sa panahong tila lahat ay para sa sarili, si Tulfo ang nagpapaalala na hindi ka nag-iisa. May kakampi ka at may lalaban para sa iyo!

ORA MISMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with