^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming winawasak ng online gambling

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming winawasak ng online gambling

NAKABABAHALA ang balita na may mga menor-de-edad na nalululong sa online gambling at maski ang kanilang allowance na pera ay pinantataya rito. Dahil umano sa pagkalulong, nagagawa na rin ng iba na mang-umit sa kanilang mga ­magulang. Madaling ma-access sa cell phone ang app para makataya. Sa ilang pindot lang ay maka­paglalaro makapagsusugal. Huli na para malaman ng ­estudyante na marami na siyang naipatalo. At para makabawi, makakaisip magnakaw para may maitaya.

Nakadidismaya naman ang inihayag ng isang party-list representative na 32 percent ng mga kababaihan ang nauubos ang kabuhayan dahil sa pagkasugapa sa online gambling. Ayon sa kongresista ang mga kababaihang gumon sa online gambling ay ‘yung mga nasa bahay lamang o ‘yung mga maybahay.

Sinabi ni 1 Tahanan Party-List Rep. Nathaniel “Atty Nat” Oducado na ayon sa nakalap niyang data, gumagastos ng P1,000 kada linggo sa online gambling ang mga kababaihang nasa bahay.

Dahil nangyayaring ito, inihain ni Oducado ang House Resolution No. 42 na mag-iimbestiga sa ­lumalaganap na problema kaugnay sa online ­gambling. Sabi ni Oducado, mahalagang matutukan sa pagsisiyasat ang matinding epekto nang pagkalulong ng ilang indibidwal sa online gambling kasama na ang mga menor-de-edad.

Ayon pa sa kongresista, ang mga nalululong sa online gambling ay mga “low-income earners” na kumikita lamang ng P15,000 pababa kung saan, pati mga tricycle drivers ay nauubos ang kinitang pera sa kasusugal.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri na dapat nang ipatigil ng pamahalaan ang online gambling. Ayon sa senador, imbes na makatulong ito sa mga mahihirap na kababayan ay lalo lamang silang nababaon sa utang at ang ilan ay nauuwi pa sa pagpapakamatay. Ayon pa kay Zubiri, ang pagiging madaling access sa teknolohiya ang dahilan kaya maraming nalululong sa online ­gambling lalo na ang kabataan.

Itigil ang online gambling. Huwag ­panghinayangan ang kikitaing buwis dito. Mas mahalaga na maisalba ang buhay at tahanan na winawasak dahil sa pagkalulong sa online gambling. Walang nananalo rito—lahat talo!

ZUBIRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with