^

PSN Opinyon

Maikling kalendaryo, maagang ginhawa

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang gastos ng magulang sa pag-aaral ng kani­lang mga anak. Tuwing pasukan, tila palaging nabubutas ang bulsa, uniforme, proyekto, pamasahe, pagkain at kung anu-ano pa. Sa panahong mataas ang bilihin at kulang sa kita, ang edukasyon na dapat ay daan tungo sa pag-angat ay nagiging pabigat sa maraming pamilyang Pilipino.

Kaya’t napapanahon ang panawagang repasuhin at isulong ang short-term school calendar, isang sistema kung saan mas pinapaiksi ang bilang ng araw sa loob ng school year, pero mas pinatindi at pinahusay ang kalidad ng pagkatuto. Hindi ito pagbawas ng edukasyon, kundi pag­­tutok sa esensyal. Mas kaunting araw sa paaralan, mas ka­unting gastos sa araw-araw mula sa baon hanggang pamasahe.

Mas maikling taon, mas maraming pagkakataong maka­piling ng mga anak ang kanilang mga magulang, lalo na sa mga pamilyang sabik sa quality time pero laging kapos sa oras. Para sa mga estudyante, ang short-term calendar ay hindi dahilan para tamarin, kundi hamon para maging mas masigasig at disiplinado.

Sa mas maikli at mas pokus na mga klase, mas mada­ling maunawaan ang mga aralin at mas mabilis ang progreso. Hindi rin ito nangangahulugan ng pagbabalewala sa bakasyon. May sapat pa ring panahon para magpahinga, magtrabaho kung kailangan, o tumulong sa pamilya.

Ang edukasyon ay hindi dapat nagpapalalim ng utang, kundi nagtuturo kung paano makakaahon sa kahirapan. Kung ang pagbabagong ito ay makatutulong para guminhawa ang buhay ng bawat magulang at maging mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata, bakit hindi natin subukan?

Hindi lang ito usapin ng akademya. Isa itong hakbang patungo sa mas makatao, mas makabuluhang edukasyon kung saan ang paaralan ay hindi pasanin, kundi katuwang ng pamilyang Pilipino.

CALENDAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with