^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Bullying na naman

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Bullying na naman

HINDI pa natatagalan ang nangyaring bullying sa isang pampublikong eskuwelahan sa Parañaque City na humantong sa pananaksak at ikinamatay nang nam-bully, meron na namang nangyari at sangkot din ang mga estudyante sa high school.

Nag-viral sa social media ang video nang pambubugbog ng dalawang Grade 9 students sa kanilang kaklaseng lalaki noong Hunyo 25, 2025. Ang dahilan ng pambubugbog ay nang tumanggi ang biktima na manigarilyo sa utos ng dalawang kaklase. Hindi nagus­tuhan ng dalawa ang pagtanggi ng kanilang kaklase.

Nakita sa video kung paano sinuntok, tinadyakan at siniko ang biktima. Nakunan din ng video ang pagbunot ng isa sa mga suspek ng kutsilyo at inambahang sasaksakin ang kaklase.

Ayon sa report ng pulisya, nangyari ang insidente sa Basilan National High School sa Isabela City, Basilan. Nalaman lamang ang pangyayari nang magsumite ng pormal na reklamo ang ama ng biktima noong Hulyo 4 matapos isugod sa ospital ang anak. Ayon sa Police Regional Office 9, isinugod sa ospital sa Isabela City, Basilan ang biktima ngunit inilipat sa Zamboanga City para mabigyan nang lubos na atensiyong medikal.

Samantala, nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) ang dalawang estud­yante na sangkot sa pambubugbog. Nakipag-ugnayan din ang CSWD sa eskuwelahan upang ma­bigyan ng counseling service ang biktima at ganundin ang mga nambugbog na estudyante.

Sa kabila na may Anti-Bullying Act (Republic­ Act No. 10627), nangyayari pa rin ang bullying sa eskuwelahan. Nagpapatunay na hindi naipatutupad ang batas sa mga school sapagkat patuloy ang bullying. Layunin ng batas na maprotektahan ang mga estudyante sa bullying sa school. Hindi lamang physical ang sakop ng batas kundi pati ang verbal, relational aggression, cyber-bullying at sexual bullying.

Inutil ang mga namamahala sa eskuwelahan kaya may nangyayaring bullying na ang ilan ay humahantong sa malagim na kamatayan.

Huwag hayaang maulit ang karahasan. Iprayoridad­ ng DepEd ang paglaban sa bullying. Isailalim sa coun­selling ang mga sangkot sa bullying at ganundin naman ang biktima. Dapat malaman ang ugat kung bakit gina­gawa ang pambu-bully. Ang mabilis na aksyon ng mga namumuno sa eskuwelahan ay mahalaga para malutas ang problema.

BULLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with