^

PSN Opinyon

Apricus Wellness Spa at microbiome: Isang wellness experience na sulit na sulit!

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Apricus Wellness Spa at microbiome: Isang wellness experience na sulit na sulit!
Simpleng couple’s weekend lang ang balak namin ng asawa ko sa Rancho Bernardo Luxury Villas & Resort sa Bataan, pero higit pa sa pahinga ang aming naranasan sa Apricus Wellness Spa

 Bilang misis, ina, at media professional na sabay-sabay ang trabaho sa telebisyon, radyo, at social media, bihira na ang oras para makapagpahinga. Kaya nang makapunta kami ng asawa kong si Nonong sa Apricus Wellness Spa sa loob ng Rancho Bernardo Luxury Villas & Resort sa Bataan, inakala naming karaniwang weekend getaway lang ang nag-aabang sa aming mag-asawa. Iyon pala, napuntahan namin ang isa sa mga pinakamagandang wellness retreats dito sa Pilipinas.

Isang spa experience na kakaiba at 'di malilimutan

Isa ang Apricus Wellness Spa sa mga nangungunang luxury destinations sa Bataan. Signature offer nito ang Therapeutic Microbiome Soak.  May dalawang bahagi ito: Human Microbiome Treatment para sa mukha at katawan, at Ancient Fermented Herbal Tea Bath na sinusundan ng therapeutic massage. Tanggal lahat ng lamig at stress.  Kaya swak ito para sa mga naghahanap ng tunay na healing.

Mahalaga ang microbiome sa holistic wellness

'Ika nga ng iba, "It's the little things that matter."  Kaya, kung gusto natin ng healing, ang susi ay ang tinatawag na microbiome — ang milyun-milyong microorganisms sa loob at labas ng ating katawan. Hindi man nakikita ang microbiome, mahalaga ang mga ito para mapalakas ang ating resistensya, mapanatili ang timbang, at pabilisin ang paghilom natin mula sa mga sakit. Sa madaling salita, malaki ang papel ng microbiome sa ating kalusugan. At ito ang nagsilbing gabay para sa Apricus Wellness Spa para makalikha ng natural spa treatments na nakabatay sa syensiya.

Pagpasok pa lang sa Roman Bath-inspired spa room, out of this world na ang ambiance  — mula sa tunog ng dumadaloy na tubig, amoy ng essential oils at herbs, hanggang sa flower-and-charcoal bath na hinanda para sa amin. Para kayong dinala sa isang healing sanctuary. Pwedeng-pwede ito para sa solong healing experience. Pwede rin sa couples at sa buong pamilya.

Relaxing at puno ng ginhawa ang spa room na itong hango sa Roman bath. Dito ginagawa ang Human Microbiome Treatment na tunay na nakagagaling—hindi lang sa balat, kundi sa buong katawan.

Habang nasa bath, puwede n'yong gamitin ang mga natural na sangkap — fruit peels, flower petals, at activated charcoal — para ma-exfoliate ang balat. At oo, totoong may live probiotics sa soak. Ramdam n'yong tumatalab sila!  Ang resulta: Balat na banayad, hydrated, at may healthy glow na tumatagal ng ilang araw.

Matapos ang bath, sinundan ito ng masahe na napakasarap.  Hindi lang ito dahil sa technique kundi sa kombinasyon ng healing oils.  Bawat lamig, kirot, at pagod, naglaho.

Ang Microbiome Soak experience ay hindi lang tungkol sa pagpapasarap. Ito’y tungkol din sa muling pagkonekta sa natural na kakayahan ng katawan na magpagaling. Ito’y pagbibigay-pahintulot sa sarili na huminto sandali, makinig sa katawan, at maghilom. 

Nagustuhan din ng aming mga anak ang Microbiome Massage at Glass Facial. Maraming puwedeng subukang pampa-relax ang buong pamilya.

Ang adbokasiya sa likod ng wellness

Ang talagang nagpapatingkad sa Apricus Wellness Spa—higit pa sa mga ka-level nitong spa sa Metro Manila—ay ang kwento sa likod nito.

Ang Chief Operating Officer nitong si Ross Licup ay matagal nang kilala sa aesthetics industry dahil sa mga makabago niyang anti-aging treatments at holistic skincare approach. Pero ang mismong karanasan niya sa matinding karamdaman ang nagtulak sa kanya sa tinatawag niyang Microbiome advocacy. Matapos magkasakit, nadiskubre n ni Ross ang microbiome treatment, at mula noon, ginawa na niyang misyon ang maibahagi ang natuklasan niyang ito sa iba.

Ang kwento ni Ross ang nagbibigay ng tunay na lalim at kredibilidad sa misyon ng Apricus. Hindi ito uso-uso lang o pakulo. Isa itong paraan ng wellness na nakaugat sa siyensya, kalikasan, at personal na pagbabago. Para sa mga sawang-sawa na sa instant solutions, ito ang klase ng self-care na may saysay at sustansya.

Apricus Chief Operating Officer Ross Licup: ?Ibinabahagi sa mundo ang kahanga-hangang benepisyo ng microbiome

Para sa ating mga busy at multitasker, hindi makina ang ating katawan. Karapat-dapat nating alagaan ang ating mga sarili.

At para sa mga mag-partner o mag-asawa:  Kung matagal na kayong naghahanap ng pagkakataong mag-reconnect at magpahinga, highly recommended ang Apricus Wellness experience.

Hindi lang ito basta destinasyon. Isa itong karanasang dapat paglaanan ng panahon.

--


I-Follow ang aking social media accounts JingCastaneda:  Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, and Twitter.  Para sa inyong mga tanong, kuwento at suhestiyon, mag-email sa [email protected].  

SPA

WELLNESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with