^

PSN Opinyon

Chinese interference dapat bantayan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

All systems go na para sa May 12 midterm elections. Si­yento porsiyento nang nai-deliver ng Comelec ang lahat ng para­pher­nalia sa eleksyon. Nakapagsagawa na rin ng mga dry run upang tiyaking hindi papalpak ang computerized system. Ngunit gaano man ka-episyente ang sistema, kapag may human inter­vention ng mga determinadong mandaya, masisira ang integ­ridad ng halalan.

Dapat maging mapagmatyag ang Comelec at Philippine National Police laban sa posibleng dayaan sa eleksyon na ang layon ay papanalunin ang mga “Manchurian candidates” o mga kandidatong galamay ng China. Masalapi ang China at hindi ma­layong maglaan nang malaking pondo para sa mga pro-China candidates, kasama na ang pandaraya.

Kung ang vloggers nga ay napabalitang pinopondohan ng China, mas kayang tustusan nito ang malawakang mani­pu­lasyon sa elek­siyon. Mas mapapadali ang layunin nilang saku­pin ang Pili­pinas kung may nakatalaga silang opisyal na Pili­pino na kasabwat nila.

Isa pa, sa maraming pagkakataon, may mga naaarestong Chi­nese spies ang ating mga awtoridad na kumpleto ang kasang­kapan sa paniniktik. Ang mga pangyayaring ito ay nakababalisa lalo pa’t iisiping nagkaroon na ng mayor sa Tarlac na hindi Pinoy kundi Chino. Kung magtatagumpay ang China sa maitim na balak nito (kung mayroon man) baka magising na lang tayo isang araw na lahat tayo’y mga Intsik na.

Nauna nang nagbabala si National Security Council Assis­tant Director General Jonathan Malaya na may mga indikasyon na may operasyon ang China para palihim na manipulahin ang eleksiyon. Mabilis na pinabulaanan ito ng China ngunit natural na pasinungalingan iyan. Sa kabila ng mga pagpapabulaan, nananatili ang ulat ng ating Philippine Coast Guard sa mga na­ma­mataang Chinese vessels sa ating teritoryong pangka­ragatan. Hindi tayo tinatantanan ng China.

Suriin din natin ang mga kandidato lalo na yung mga tuma­takbo para sa pagka-senador. Halos lahat sila ngayon ay nag­sa­sabing idedepensa nila ang soberenya ng Pilipinas ngunit no­ong araw, halatang-halata ang pagkiling sa China.

ELEKSYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with