Huwag puro pangako sa mga Capiznon
MAY mga programa sina first district congressional candidate Paul Roxas at Howard Quintu na ma-rehabilitate ang Culasi Port at Roxas City Airport. Malaking tulong ito sa mga negosyante upang makarating sa Metro Manila ang kanilang mga produktong seafoods at agri products. Ang Capiz ay kumpleto sa agri products—palay, mais, tubo, pakwan, melon at iba pa. Sagana sa seafoods—talaba, tahong, alimasag, alimango, sugpo at iba pa.
Kung maipatutupad ang mga programa ng Roxas at Quintu, magkakaroon ng hanapbuhay ang mga Capiznon at uunlad ang buhay. Dati kasi, ang Capiz particular ang Panay ay tinaguriang second rice granary of the Philippines dahil sa laki ng produksyon ng palay.
Pero dahil walang suporta ng mga nagdaang administrasyon, bumaba ang produksyon ng palay at isama pa ang walang pakundangang pag-convert ng lupang sakahan to industrial land. Napilitang ibenta ang mga magsasaka ang kanilang lupang sakahan dahil mababa ng presyo ng kanilang inaaning palay at mga gulay.
Ngayon napagtuunan ng pansin ang pag-rehabilitate ng Culasi Port at Roxas City Airport, napakahalaga nito sa Capizenos para mailuwas ang kanilang mga produkto patungo sa Metro Manila.
Hindi lang sina Quintu at Roxas ang may isinusulong sa Capiz, pati na rin si Gov. Fredenil Castro. Maraming proyekto si Castro sa lalawigan na nagsalba sa kumakalam na sikmura ng mga Capiznon.
Si Castro lamang ang nakagawa ng mga ganitong makabuluhang proyekto mula nang umupong governor. Ang mga nagdaang governor, nagpayaman sa kakapiranggot na budget mula sa national government.
Walong araw na lamang at election na at ang panawagan ko sa mga kandidato sa Capiz, huwag puro pangako ang bitawan sa mga Capiznon. Ang mga botante ngayon ay matalino na. Hindi na ninyo kayang bilugin ang ulo sa pamamagitan ng pamumudmod ng pera. Abangan!
- Latest



















