^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panibagong pag-atake sa mamamahayag

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Panibagong pag-atake sa mamamahayag

ANG kalahati ng katawan ng mga mamamahayag ay nasa hukay. Kahit nasaan silang lugar, nakaamba ang kamatayan. At mas masakit kung sa loob pa mismo ng pamamahay matatapos ang buhay. Ganyan ang nangyari sa beteranong mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang, 89, na walang awang pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay sa Kalibo, Aklan noong Martes ng gabi.

Si Dayang, naging mayor ng Kalibo noong 1986 ay ­dating newspaper columnist at reporter at naging ­president ng ­Publishers Association of the Philippines Inc.

Ayon sa Kalibo police, nanonood ng TV si Dayang dakong alas otso ng gabi sa salas ng kanyang bahay nang biglang dumating ang suspect na naka-itm na jacket at naka-helmet. Pinagbabaril si Dayang na tinamaan sa likod. Duguan itong bumulagta. Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo. Dinala sa ospital si Dayang subalit dead-on-arrival ito.

Bumuo ang PNP ng ­Special Investigation Task Group (SITG) para mahuli ang suspek at kung sino ang “utak” sa pagpatay. Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pagpatay sa beteranong mamamahayag.

Ang pagpatay kay Dayang ay nataon sa panahon ng election kung saan sinabi ng PNP na nakahanda sila sa mga gagawa ng karahasan. Mula nang magsimula ang election period, marami nang napatay na kandidato. Pawang baril ang ginamit. Bigo ang PNP na masamsam ang loose-firearms.

Sa termino ni President Ferdinand Marcos Jr. pitong mamamahayag na ang napapatay at kabilang dito si Dayang. Noong Oktubre 2024, pinatay si Maria Vilma Rodriguez, 56, ng Bgy. Tumaga, Zamboanga City. Si Rodriguez ay reporter ng Brigada Station at host ng public affairs program ng 105.9 EMedia Radio. Pinagbabaril siya sa harap ng bahay. Noong Setyembre 18, 2022, pinatay ang radio broadcaster na si Rey Blanco ng Mabinay, Negros Oriental. Pinagsasaksak siya habang patungo sa pinaglilingkurang radio station. Hindi pa nahuhuli ang killer ni Blanco.

Noong Okt. 3, 2022, binaril at napatay ang veteran broadcaster na si Percy Lapid habang patungo sa kanyang tanggapan sa Talon Dos, Las Piñas. Hindi pa naaaresto si dating BuCor director Gerald Bantag na “utak” sa krimen.

Noong Mayo 31, 2023, binaril at napatay ang broadcaster/commentator na si Cresenciano Bunduquin ng Bgy. Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro. Noong Nobyembre 5, 2023,  pinagbabaril ang radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental.

May pinaslang na namang mamamahayag sa katauhan ni Dayang. Hindi na natapos ang pagpaslang at walang nakakamit na katarungan. Hindi sana matulad ang pagpaslang kay Dayang sa iba pa na hindi nalutas.

JOURNALIST KILLINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with