^

PSN Opinyon

Seaman at Midwife...ORB'S INTEGRATED FARM

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang buhay paghahalaman ng mag-asawang seaman at midwife na nag-venture sa pagtatanim ng cacao, pag-aalaga ng stingless bee at pag-hydroponics ng lettuce na kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motibasyon.

Ang aking tinutukoy ay ang mag-asawang Ryan at Joanne Bautista owner ng Orb’s Integrated Farm na makikita sa Brgy. Bambang, Nagcarlan Laguna.

Nag-early retirement bilang midwife si Joanne habang hindi na nag-OFW at sumampa ng barko si Ryan sa halip ay pinagtulungan at pinagyabong na lamang nilang linangin ang kanilang farm.

Kung dati ay magkalayo ang mag-asawa ngayon ay palagian na silang magkasama sa piling ang kanilang tatlong mahal na anak na pawang mga lalaki.

‘Hirap kasi ako sa pagbubuntis, apat na beses na akong nakunan dahil sa pagod sa trabaho kaya nag-early retirement na ako ay nagtanim-tanim na lamang,” ani Joanne.

Maging si Ryan ay hindi na sumampa pa ng barko sa halip ay tumulong na lamang sa pagtatanim sa kanilang farm.

Nasa 600-sqm ang farm ng mag-asawa at ang pangunahing tanim nila ay 100 puno ng iba’t ibang variety ng cacao.

Nag-alaga rin ng stingless bee at may Hydroponics lettuce garden ang mag-asawa sa isa nilang greenhouse.

Gumagawa na rin ng iba’t ibang produkto ang mag-asawang Bautista mula sa harvest nilang bunga ng cacao.

Natikman ko na at ang Team ng Masaganang Buhay ang gawang masarap n tablea at champorado ng mag-asawa.

Mayroon din gawang Cacao Lip Balm ang mag-asawa na tamang-tamang na panunuyo ng ating mga lips.

Ang iba pang produkto na gawa ng mag-asawa ay mabibili at naka-display sa opisina na Cacao Farmers Agripreneur of Nagcarlan (CFAN) kung saan sila ay miyembro ng nasabing grupo.

“Naka post din po sa CFAN ang mga produkto ng mga processor ng iba pang miyembro” ani Joanne

Kasapi rin ang mag-asawa ng Nagcarlan Hydroponics Growers at mga nag-aalaga ng bee o bubuyog at nagpoproduce ng masarap at masustansiyang Honey.

“Naniniwala po ako na si Lord ang nagdala sa amin dito sa pagtatanim, Farming is a noble calling,” sabi pa ni Joanne.

Isa pa sa best seller na produce ng mag-asawang Bautista ay ang kanilang oil blends for everyday needs

“May it be for sleep, relaxation or to give extra energy to start the day” pahayag pa ni Joanne.

Sa mga nagnanais mag-avail o bumili ng mga produkto ng  mag-asawa ay i-text lamang po ninyo sila 0905-304-35-55 o sa kanilang FB page na Happy Oilmones para sa inyong mga order.

Ngayong Linggo, April 20, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at Farm tour sa mag-asawang Bautista  sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong Pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari din kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Media Star Group of Publications.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-txt, huwag pong tawag ah, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->