^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Karahasan sa eskuwelahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Karahasan sa eskuwelahan

SUNUD-SUNOD ang mga nangyayaring karahasan sa eskuwelahan at ang nakagigimbal, may mga namatay. Nakababahala na ang mga sangkot ay edad 13, 14 at 15. Napakabata nila para masangkot sa kaguluhan na ang hantungan ay pagkasira ng kinabukasan.

Hindi pa natatagalan ang insidente ng pananaksak ng isang lalaking Grade 8 student sa kanyang kaklaseng babae, mayroon na namang kahalintulad na insidente ng pananaksak at dalawa ang namatay.

Ang mga napatay ay magpinsang Grade 8 students ng Captain Albert Aguilar High School sa Bgy. CAA, Las Piñas City makaraang pagsasaksakin ng tatlong kaklase noong Biyernes.

Ayon sa pulisya, pauwi na ang magpinsan nang harangin at kuyugin at pagsasaksa­kin ng tatlong estudyante na mabilis na tumakas pagkatapos ng krimen. Ang mga suspect ay Grade 7, 9  at 10. Dinala sa ospital ang dalawang biktima pero dead on arrival na ang mga ito. Ayon kay Las Piñas City Police chief, Col. Sandro Jay Tafalla, simpleng alitan lamang sa comfort room ang dahilan ng pananaksak. Pinatay-sindi umano ng mga biktima ang ilaw sa comfort room na ikinagalit ng isa sa mga suspect. Inabangan sa pag-uwi ang dalawa at pinagsasaksak. Isinuko ng mga magulang sa pulisya ang kanilang mga anak na ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan.

Noong nakaraang buwan, dalawang estudyante sa Rizal High School ang sinaksak ng kanilang kaklase makaraang magrambolan. Sa video, pinagtulungan ng mga estudyante ang isang estudyante habang hawak ng isa ang patalim. Makikita sa isa pang video ang duguang uniporme ng isang estudyante makaraang saksakin. Sa isa pang video, makikita ang isa pang estudyante na hawak ng kapwa estudyante at saka sinaksak. Ayon sa pulisya, ang dalawang grupo ay unang nagrambolan sa school compound pero ipinagpatuloy sa labas ang rambolan hanggang magsaksakan.

Naghahatid ng pangamba ang mga nangyayaring karahasan na kinasasangkutan ng mga kabataan na ang resulta ay pag-utang sa buhay. Nakagigimbal na malaman na ang mga batang sangkot ay may dalang patalim at naipapasok sa school. Paano nakakalusot sa mga guwardiya ang patalim? Paano kung baril o granada ang ipasok?

Hindi na biro ang sunud-sunod na insidente ng pananaksak sa school at nararapat nang gumawa ng paraan ang pamunuan ng school kung paano maiiwasan ang ganito. Nararapat din namang ma­ging mapagmatyag ang mga magulang sa ikinikilos ng kanilang mga anak. Rekisahin ang backpack ng mga anak at baka nagdadala ito ng patalim o anumang matulis na bagay. Maging mapanuri.

CAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->