^

PSN Opinyon

EPD ‘dorobo’ cops, ‘tumama sa lotto!’

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

HINDI kasiya-siya na ‘pasalubong’ sa promotion ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin ang pangungulimbat ng walong EPD cops ng P75 milyong halaga ng, gadgets, at kagamitan sa bahay ng negosyanteng Chinese sa Las Piñas City noong Abril 2.

Kinaugalian na kasi ng mga pulis na kapag na-promote ang kanilang hepe, may pasalubong silang malalaki o maga­gandang accomplishments para bongga ang dating ng okasyon.

Subalit dito sa kaso ng EPD cops, sakit ng ulo ang ibi­nigay nila kay Aberin at EPD director Brig. Gen. Villamor Tuliao. Mismooo!

Kaya sa mga unang araw ni Aberin sa ranggong major ge­neral, wala na siyang pinagkaabalahan kundi ang pag-damage control ng sitwasyon sa pangambang baka abutin siya ng delubyo dahil sa kaso, na tiyak hindi ikinatuwa ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Mismooo!

Tinitiyak ng mga kosa ko na hindi palalampasin ni Marbil ang kasong ito at ang walong tiwaling EPD cops ay ma-dis­miss sa serbisyo para hindi na pamarisan pa. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sina Aberin at Tuliao ay nasa Camp Crame para sa kani­lang donning of the ranks nang salakayin ng mga nakasibilyan na EPD cops ang bahay ni Jie Li alias Bossing at Wang Feng Tao sa No. 32 Alfani St., Portofino Heights, Bgy. Almanza Dos.

Ayon sa kapatid ni Jie na si Kitty, may ipinakitang search warrant ang mga pulis kung saan parehas ang pangalan subalit ibang tao ang nasa litrato. Tsk tsk tsk!

Modus talaga ito ng mga “dorobo” cops. “Same name only but not the Chinese name, the spelling is different.. They have the same name but the person are different. They have a picture but totally different,” ani Kitty.

Teka, teka, sinira ng mga pulis ang lahat ng CCTV cameras at sa tingin ng mga kosa ko may insider sila dahil alam ang kinaroroonan ng mga gamit nila. Sa unang sultada, humingi ang mga EPD cops ng P10 milion subalit hindi pu­mayag ang mga biktima sa pagdadahilang wala silang pera. Dito na nagsimulang ransakin ng mga pulis ang buong bahay ng biktima. Dipugaaa!

Ayon kay Kitty, sapilitang pinabuksan sa kanila ang safety deposit box at sinimot ang laman nitong cash na umaabot sa P27 milyon, $430,000, at 110,000 Malaysian Ringgit.

Wow, instant millionaire sila. Parang tumama lang sa lotto ang “dorobo” cops, ‘no mga kosa?

Ang iba pang nakulimbat ng EPD cops ay Bulgari necklace na nagkakahalaga ng P2 milyon; Audemars watch, P10 milyon; 600 grams gold bar, P4 milyon; 6 gold bracelets, P2 milyon; 20 gold longevity locks, P3 milyon, wallet na may lamang RMB 5,000 at assorted gadgets. Eh di wow!

“They stole items in a small carry (bag) and took Rolex watches , Lacoste and US dollar in their luggage and put in a plastic …. They have their own luggage … The money, peso,  US dollar the other currency and put some in a small casing only , they took the watch and peso in their pocket. I think it’s around 20 minutes. They do it very fast,” ayon kay Kitty. Hehehe! Mukhang sanay na eh. Dapat talagang masibak sila.

Ayon kay Tuliao, narekober sa taga-DSOU ang P12 milyon na anila ay ebidensiya nila sa kasong bribery na isinampa nila sa Las Piñas prosecutors office noong Abril 3, halos 19 hours matapos ma-ransack ang bahay ni Jie.

Ni relieve naman ni Aberin ang 31 DSOU members ng EPD dahil sa initial investigation ay maraming nilabag na alituntunin sa PNP rules ang regulations ang walo nilang miyembro.

Tiyak bumaho na naman ang imahe ng PNP dahil sa kasong ito. Abangan!

LOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with