Remulla at Nartatez,ginigiba sa kidnap case!
BUMALIK na naman ang gibaan sa hanay ng Philippine National Police. Napansin ng mga kosa ko ang pagkalat ng white paper kung saan tinutuligsa ang papel nina DILG Sec. Jonvic Remulla at PNP No. 2-man Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez sa pag-“rescue” sa 14-anyos na kidnapping victim sa Parañaque City.
Ayon sa white paper, itong rescue kuno sa kidnap victim ay nalalayon para maging pogi sina Remulla at Nartatez. Tsk tsk tsk! Kailangan pa ba nila ‘yun? Noong patapos na ang termino ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil last February 7, nawala na itong gibaan.
Siguro nga, malaki ang naging papel para mawalis ito ang maagang pag-anunsiyo nina President Bongbong Marcos at Remulla na i-extend si Marbil. Na-extend nga si Marbil hanggang Hunyo kaya’t nagtaas ng kilay ang mga kosa ko sa Camp Crame eh maaga ‘ata itong white paper kontra kina Remulla at Nartatez. Anyare? Ang sakit sa bangs nito!
Hindi naman kaila sa mga kosa ko na nag-prescon si Remulla at ibinando na na-rescue na ang kidnap victim at walang ransom na ibinayad sa mga suspects. Kaya lang lumabas sa mga report na hindi na-rescue ang bata kundi sinundo lang sa Parañaque City, kung saan nakaabang ang mga police official ng NCRPO.
Kasama ni Remulla si Nartatez na sumadya sa lugar. Ayon sa white paper, kaya pinalabas ni Remulla na na-rescue ang bata para makakuha ng political gain.
“Together, these two men turned what should have been a standard law enforcement operation into a scripted production to boost their ambitions, leaving the PNP in an embarrassing and compromised position,” anang white paper.
Sinabi pa sa report na may isang negosyante na nagbayad ng $1 milyon ransom. Tsk tsk tsk! Nadawit pa si Boss Taipan eh. Pero sa tingin naman ni Dipuga, hindi na mahalaga kung paano nakalaya ang bata dahil ang pinaka-importante ay ligtas itong naibalik sa kanyang pamilya. Mismooo!
Umalingawngaw rin ang report na kaya kumakalap ng pogi points si Remulla ay dahil may plano itong tumakbo sa pagka-presidente sa 2028. Itong kidnap rescue story kaya ang isa sa naisip n’yang behikulo? Ewan ko no?
Kung sabagay, malaki ang tsansa ni Remulla na manalo dahil itong hometown n’yang Cavite ay isa sa vote rich province sa bansa. Get’s n’yo mga kosa?
Dahil dati s’yang governor ng Cavite, may balwarte na si Remulla, at isama ko ang iba pang probinsiya ng Calabarzon at malaking boto na ang nakaumang para sa kanya. Idagdag pa ang Ilocos Region at iba pang parte ng Luzon at may tsansang malusutan ni Remulla si VP Inday Sara. Hehehe!
Si Speaker Martin Romualdez kaya, may laban si Remulla? Malayo pa ang 2028 elections subalit gunagana na ang makinarya ng mga pulitikong nangarap na papalitan si BBM. Sal-it! Hehehe! Ambot sa kanding n’ga may bangs!
Sa parte naman ni Nartatez, kaya hinatak siya ni Remulla dahil si Marbil ay nasa Mindanao para sa preparasyon ng midterm elections. Bilang No. 2-man ng PNP, siyempre si Nartatez lang ang puwedeng humalili kay Marbil, di ba mga kosa?
Kung sabagay, si Nartatez ay gino-groom na next PNP chief kaya dinungisan na kaagad s’ya. Sino kaya ang nasa likod ng white paper? Dipugaaa! Hehehe! Two birds in one stone eh! Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!
- Latest