^

PSN Opinyon

Papaano uunahin economic problem?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang sikreto ng mahusay na pamamahala sa gobyerno ay nasa paghawak ng isang leader sa problemang pangkabuhayan. Wika nga, busugin ang taumbayan at ibigay ang kani­lang basic needs at tiyak, magiging matatag ang pamahalaan.

Ngunit kapag ang problema sa ekonomiya ay sinabayan pa ng bangayang pampulitika, mahirap abutin ng leader ang adhikaing pababain ang presyo ng bilihin.

Ayon sa Malacañang, matatag ang commitment ni Pre­sident Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapababa ang ha­laga ng basic needs ng mamamayan. Ito ang tiniyak ng bagong Press Undersecretary Claire Castro, partikular na sa presyo ng bigas.

Ani Castro, sinisiyasat ng pamahalaan ang ugat ng ma­taas na presyo ng mga bilihin lalo na ang biglang pagtaas sa presyo ng bigas.

Ang problema, hati ang atensiyon ng President. Naka­ka-torture ng isip ang umiiral na destabilization laban sa kanyang administrasyon at ang pag-iisip kung ano ang kahihinatnan at ibubunga sa kanya ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Marahil, sa pagkatuliro ng isipan ni Marcos Jr., may mga nananamantala sa loob ng pamahalaan para gumawa ng corrupt practices.

Hindi ko sinasabing iyan nga ang sitwasyon ngunit aking inaanalisa ang umiiral na situwasyon sa larangan ng puli­tika at ang epekto nito sa kabuhayan ng mga Pilipinong uma­aringking na sa hirap.

Natitiyak ko na kung wala ang pagbabangayan ng da­la­wang malakas na political power at may pagtutulungan ang lahat, hindi mahihirapan si Marcos Jr. sa paglutas sa mga prob­lema ng ating bansa.

Ayon kay Castro, nakatutok ang President sa presyo ng bilihin lalo na sa bigas. Anumang tutok ang gawin, kung may mga factors na kumikilos upang masilat ang lahat ng magandang intensyon ng administrasyon, para lang siyang sumusuntok sa planetang Mars.

FERDINAND R. MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->