^

PSN Opinyon

Huwag ningas kugon ang HPG sa Marilaque!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI lamang dapat sa Marilaque Highway sa Tanay Rizal tumutok ang mga tauhan ni Highway Patrol Group (HPG) director BGen. Eleazar Matta kundi sa iba pang mga kalsada o highway dahil sa mga nagaganap ng aksi­dente. Marami ngayong pasaway na drayber at dispaling­hado ang kanilang mga sasakyan.

Nag-viral ang stunt ng dalawang kamote riders sa Mari­laque Highway noong nakaraang linggo. Nagkagitgitan ang dalawang kamoteng riders at isa sa kanila ang nama­tay. Sumemplang ang dalawa at bumangga sa mga naka­pa­ra­dang motor ng mga nanonood sa tabing kalsada.

Mahirap mahuli sa akto ang mga nagkakarera. Nalaman ko rin na may ilang anak ng mga pulitiko na nakikisaw­saw sa pasik­laban ng mga motorsiklo at kotse sa Mari­laque Highway.

Kaya ang suhestiyon ko, bigatan nang husto ang parusa sa mga nasasangkot sa drag race.

Hindi sana ningas cogon ang aksyon ng HPG sa pag­pa­­­kalat ng kanilang mga nagtatabaang pulis sa Marilaque Highway. Kung pakitang tao lang ang paghihigpit ng HPG, ma­rami pang buhay ang mauutas.

Tiyak na tumityempo lamang na malingat ang HPG at muli na naman magkakarera ang mga kamote sa Marilaque Highway.

Magpakalat din ang HPG ng mga pulis sa mga highway sa labas ng Metro Manila upang mahuli ang mga pa­sa­way na drayber na nag-ooverload ng kanilang kargamento at maging pasahero.

Samantala, dapat din namang kumilos ang mga taga-Department of Transportation na mag-inspection sa mga ter­minal ng bus. Maraming bus ang naaaksidente dahil may depekto ang mga ito. May mga nawawalan ng preno.

Maging ang mga drayber ay dapat isailalim sa drug test upang masigurong nasa maayos na katauhan ang mga ito bago bumiyahe.

HIGHWAY PATROL GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with