^

PSN Opinyon

Miraflores dynasty corruption, binira

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Pinasisiyasat ng local na pamahalaan ng Aklan Province ang pagkabinbin ng anim na buwan ng infrastructure pro­jects sa lalawigan. Nababahala ang mga officials sa uma­no’y­ korapsiyon ng Miraflores political dynasty lalo na sa supply­ ng sand and gravel. Minamanipula raw ang political dy­nasty­­ ang quarry resources kaya hindi matapos ang mga proyekto. Sabi ng isang public official ang pang-aabuso at masamang pama­mahala ng Miraflores political dynasty ay panganib ang dulot sa taumbayan sa Aklan.

Nakalulungkot ang mga ulat na maraming proyekto ang nabibitin dahil sa masamang sistema. Sumbong ng ilang local officials, ang mga kontratista sa proyekto na hindi uma­ayon sa interest ng pamilya ay tinatakot o ginigipit kaya nahi­hinto ang operasyon at hindi matapos ang mga pagawaing bayan.

Hindi raw masimulan ng mga contractors ang higit 50 proyekto dahil walang mapagkukunan ng graba at buha­ngin. Iniipit daw ng mga Miraflores ang permiso sa quarry. Suma total, nagiging mapanganib sa mga motorista ang mga daang hindi naaayos lalo na sa West Aklan. Dahil diyan, nagkakaroon ng delay sa disbursement ng pondo sa ilalim ng General Appropriation Act para sa taong ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) projects sa Aklan. Taumbayan ang apektado dahil paralisado ang eko­nomiya ng lalawigan.

Tahasan ding pagsira ito sa kasunduan ng Bagong Alyansa Agreement na nilagdaan ng limang major political­ parties. Sa kasunduang ito nangako ang mga partido poli­tikal ng istriktong pagsunod sa etika ng mabuting pamamahala. Mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sumaksi sa paglagda sa kasunduan.

May merito sa tingin ko ang reklamong ito. Sabi nga ng isang mayor sa lalawigan, prayoridad na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga taumbayang nasasakupan nila kaya hinihingi ang intervention ng national government.

AKLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with