Lt. Gen. Dubria, natulog sa pansitan!
CONGRATULATIONS kay Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, bagong director ng PNP Civil Security Group (CSG).
-oooooo-
Mas madikit pa sa pandikit na Epoxy ang silyang naupuan ni Lt. Gen. John Michael Dubria, ang Deputy Chief for Operations (DCO) ng PNP. Kasi nga mga kosa, kahit anong wiggle ni Dubria para maalis s’ya sa kinauupuan n’yang silya, abayyy hindi siya makaalis dito. Ang ibig kong sabihin mga kosa ay sa DCO na magreretiro si Dubria at wala nang pag-asa na umangat pa.
Nalampasan na naman si Dubria ni Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez na ma-promote bilang Deputy Chief for Administration o No. 2 man ng PNP. Dalawang beses na itong nangyari kay Dubria. Nang nagretiro si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang pinaupo ay si Lt. Gen. Emmanuel Peralta. Tsk tsk tsk! Ang kasalanan ni Dubria? Abayyy tinatawag lang siya ni Boss CNN na “Durian Fruit” o taga-Davao. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Bata ni Tatay Digong?
Subalit nang magretiro si Peralta noong Agosto, ang hinirang na OIC ng DCA ay si Dubria. Nang mag-abroad si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, si Dubria rin ang OIC ng PNP. Maayos namang pinagsilbihan ni Dubria ang police organization. Kung sabagay, kasama sa sinumpaan niya ‘yan, di ba mga kosa? Kung bakit hindi nahirang na DCA si Dubria ay alam niya na ang dahilan mga kosa ha? Mismooo!
Hindi lang naman si Dubria ang inabot ng malas sa “massive reshuffle” na isinagawa ni Marbil kundi maging si Lt. Gen. Robert Rodriguez, ng APC-Visayas. Si Rodriguez ay nalampasan din nina Nartatez at Maj. Gen. Edgar Allan Okubo, ang bagong Deputy for Investigation.
Sina Nartatez ay miyembro ng PMA Class ’92, samantalang si Okubo ng PNPA Class ’92. Ang kababayan kong si Rodriguez ay classmate nina Marbil at Dubria sa PMA Class ’91. Get’s n’yo mga kosa? Kung si Dubria ay magreretiro sa December, si Rodriguez naman ay next year pa. Si Marbil ay sa Pebrero. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kung malas sina Dubria at Rodriguez, masabi ko naman na ang buwenas ay sina Nartatez at Okubo. Si Nartatez ay No. 2 man na sa PNP. ‘Ika nga, isang hakbang na lang! Kung sabagay, kahit noon pa, umugong naman na gino-groom ng Palasyo na maging PNP chief si Nartatez kaya wala nang bago d’yan.
Si Okubo naman ay No. 4 man na sa PNP at hindi din puwede itong maitsa puwera sa laban dahil may pamato rin siya. Kasi nga tuwing magpapalitan ng PNP chief palaging kandidato si Okubo. Pero sa ngayon, hindi drn maisantabi sa labanan itong fast pinaka-poging PNP official na si CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre, ang close friend ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy. Ang sakit sa bangs nito!
Isama ko na rin sa listahan ng malas na PNP officials si Brig. Gen. Wilson Asueta, ang hepe ng EPD. Mula maupo sa trono itong si President Bongbong Marcos, si Asueta, na isang abogado, ay nahirang ng EPD director. Subalit ang lahat ng kasabay n’ya ay na-promote na at itong si Asueta ay baka may Epoxy din sa upuan? Si Asueta ay member ng 3rdSAB ng SAF at marami ang nagtaas ng kilay kung bakit hindi pa siya nabibigyan ng magandang break. Mismooooo!
- Latest




















