^

PSN Opinyon

Walang delikadesa

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

SINAMPAHAN ng Office of the Ombudsman ng kasong graft si Benguet Vice Governor Ericson Felipe dahil sa kawalang delikadesa umano nito nang tumanggap nang maraming government work project para sa construction firm na Tagel Corporation na pag-aari niya.

Ayon sa Task Force Kasanag (TFK), nilabag ni Felipe ang Republic Act 3019 and 6713 (Anti-Graft at Ethical Standards of Government Officials) sapagkat 60 percent ang kanyang stake sa Tagel Corp. Ginamit niya ang po­sisyon upang ma-corner ang maraming government project.

Nakuha ng kompanya ni Felipe ang 30 government projects mula 2022-2023 na umaabot sa P1.35 billion. 

Hindi kaya naisip ni Felipe na conflict of interest ang pagsali ng kanyang kompanya sa mga government contract?

Sabi ng TFK, ang pagsasampa ng kaso kay Felipe ay nararapat para pangalagaan ang publiko, partikular ang mga taga-Benguet, sa korapsyon at pang-aabuso. Naniniwala ang TFK na kailangang magpaliwanag si Felipe.

Maaaring ipagkibit-balikat lamang ni Felipe ang kaso at sasabihing pamumulitika dahil malapit na ang paghahain ng kandidatura para sa 2025 elections. Tatakbo si Felipe bilang kongresista.

Subalit naniniwala ang mga taga-Benguet na kaila­ngang mapanagot ang opisyal sa pang-aabusong nagawa upang hindi na pamarisan.

* * *

Para sa reaksiyon, i-send sa: [email protected]   

PROJECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with