^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Palpak na feeding program ng DepEd

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Palpak na feeding program ng DepEd

SAMPU sa 17 rehiyon sa bansa ang hindi nakinabang sa school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong nakaraang taon sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte ayon sa audit report ng Commission on Audit (COA).

Sa COA report para sa 2023, sinabi na 21 Schools Divisions Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng pagkaantala o hindi nadeliber sa oras ang pagkain at gatas sa ilalim ng P5.69 bilyong school-based feeding program (SBFP) ng DepEd.

Pero bukod sa naantala, mas nakaka-shock ang sinabi ng COA na inaamag at nabubulok na ang mga pagkain gaya ng nutribun. Pinansin din ng COA na hindi ma­ayos ang pagkakabalot ng mga pagkain at walang manufacturing at expiration date ang mga ito.

Pinatotohanan naman mismo ni DepEd Sec. Juan Edgardo Angara, ang mga nakitang insekto sa Kara­bun/Milky bun at E-nutribun (squash) na diniliber sa kanyang probinsiyang Aurora. Sa Bulacan, ang mga ipinadalang pagkain ay hindi napakinabangan ng mga mag-aaral sapagkat sira na.

Sa Camarines Sur naman, ang P100 milyong halaga ng pagkain ay hindi umano dumating at ang supply contract para sa gatas ay hindi umano nalagdaan. Sa Palawan, ayon pa rin sa audit report, nauna umano ang pagbabayad sa supplier kaysa sa pagdating ng mga pagkain.

Ayon pa sa report may mga rehiyon na late duma­ting ang gatas o walang dumating sa buong school year. At nangyari iyon kahit na-release na ang pondo sa unang quarter pa lamang ng 2023.

Sinabi naman ng isang opisyal ng DepEd na kino-consolidate na nila ang mga ulat ng COA. Kamakailan lamang umano nila natanggap ang notices ng ahensiya. Ayon pa sa opisyal, ang mga sirang nutribun at gatas ay ibinabalik sa supplier upang palitan. Walang dagdag na gastos dito ang gobyerno.

May pait sa tinig ni Secretary Angara nang sabihin na maaaring ma-blacklist ang supplier sa nangyaring ito. Kung mahina ang performance ng supplier tiyak daw na hindi na ito makakasama.

Sa nangyaring ito na nagkaroon ng kapalpakan ang feeding program ng DepEd, ang pera ng taumbayan ang nasayang. Napakalaki ng P5.69 bilyon na pondo para sa programa pero panis at bulok ang nadeliber at marami pang hindi dumating sa oras.

Nararapat magkaroon ng imbestigasyon sa nangyari at panagutin ang mga may sala. Hindi dapat basta mabalewala ang nangyaring kapalpakan sa DepEd.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with