^

PSN Opinyon

Maruming halalan, dynasties okei lang sa Korte Suprema?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

OKEI lang ba sa Korte Suprema ang maruming halalan? Okei lang ba sa mga mahistrado ang political dynasties?

Tanong ‘yan ng mga nag-aalalang mamamayan. Matagal na kasing nakabinbin sa Korte Suprema ang tatlong petis­yon. Walang aksyon ang mga mahistrado:

l Nob. 3, 2022 – Nagpetisyon ang “TNT Trio” na obligahin­ ang Comelec at telcos na panatilihin ang transmission logs ng Halalan 2022. Anim na buwan mula eleksyon ay maari nang burahin ng telcos ang files. Hinihingi ang files nina dating DICT secretary Eliseo Rio, ex-Comelec commissioner Gus Lagman, at ex-Financial Executives Institute President Franklin Ysaac. Katibayan ito na imposible ang pagdagsa ng mahigit 20-milyong boto, 38 percent ng resulta, sa loob lamang ng dalawang oras mula pagsara ng presinto.

l  Abr. 30, 2024 – Nagpetisyon ang TNT Trio na ipatupad sa Comelec ang pangako.

PNA file photo mula sa Office of the Court Administrator — Facebook

Inutos kasi ng Comelec en banc na bilangin ang boto sa bawat rehiyon ng anumang presitong piliin nina Rio, Lagman­ at Isaac. Minungkahi ng tatlo na buksan ang 30 ballot boxes lang sa Sto. Tomas, Batangas. Tumalikod ang Comelec sa salita.

l Mar. 18, 2024 – Nagpetisyon ang apat na propesor kung obligado ang Kongreso ibawal ang dynasties ayon sa Kons­titusyon. Ku’ng obligado nga, utusan ng Korte ang Kongreso na isabatas ito.

Petitioners Rico Domingo, Wilfredo Trinidad, Jorge Cabildo, Ceasar Oracion.

Kambal na suliranin ang maruming halalan at dynasties. Sila-sila na lang ang nauupo dahil sa lutong makaw na botohan.

Hindi magkukusa ang Ehekutibo at Lehislatibo na buwagin ang dynasties at linisin ang halalan. Anong mangyayari ku’ng hindi kumilos ang ikatlong sangay ng gobyerno – Hudikatura?

POLITICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->