^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagmamasdan na lang ba ang ginagawa ng China?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagmamasdan na lang ba ang ginagawa ng China?

SA loob ng isang linggo, dalawang beses binangga ng mga barko ng China Coast Guard ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagdulot nang mala­king pinsala. Ang huling pagbangga ay naganap noong Lunes, isang araw makaraang banggain din ng CCG ang barko ng Bureau of Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Sanday sa Escoda Shoal. Nabutas ang tagilirang bahagi ng barko. Bukod sa pagbangga, binomba pa ng tubig ang Datu Sanday na maghahatid sana ng tulong sa mga mangingisda sa shoal. Maraming equipment ang nabasa sa sobrang lakas ng pagbomba.

Ang insidente noong Lunes ay matindi sapagkat pina­ligiran ng anim ng CCG vessels ang dalawang PCG vessels at saka binangga. Nasira ang tagiliran ng dalawang barko at may mga nasirang equipment sa lakas ng impact.

Patungong Escoda Shoal ang BRP Engaño at BRP Cabra para sa resupply mission sa BRP Teresa Magbanua. Biglang naglitawan ang CCG vessels at mga barko ng People’s Liberation Army and Navy at pinaligiran ang dalawang barko ng PCG.  Nag-radio pa ang CCG at sina­bing pumasok daw sa kanilang teritoryo ang PCG vessels. Hindi tinantanan ang dalawang PCG vessels at nang maabot ay kusang binangga.

Noong Agosto 20, dalawang barko rin ng PCG ang binangga ng CCG habang nagpapatrulya. Unang binangga ang BRP Engeño dakong 3:24 ng madaling araw habang nagpapatrulya sa Patag at Lawak Islands. Sa lakas ng pag­bangga, nawasak ang kanang tagiliran ng BRP Engeño. Nagkaroon nang malaking butas at hindi na maaaring ipagpatrulya.

Sunod na binangga ang BRP Bagacay dakong 3:40 ng madaling araw. Dalawang beses binangga ang Bagacay ng CCG vessel 21551 at tinamaan ang starboard beam ng barko at nabutas. Naganap ang pagbangga malapit sa Escoda Shoal.

Makaraang banggain, ang China pa ang naghain ng protesta dahil ang PCG vessels daw ang bumangga sa kanila. Bukod dito naghain din ng diplomatic protest ang China dahil daw sa ilegal na pananatili ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal kahit nasa loob ito ng Philippine exclusive economic zone.

Makaraan ang pagbangga noong Lunes sa dalawang PCG vessels, maghahain daw uli ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China. Hindi na ba nagsasawa sa ganito na pawang paghahain ng protesta na hindi naman pinapansin ng China. Bakit hindi naman sumubok ng ibang pamamaraan?

Sa huling pangyayari na ilang barko na ang nasisira dahil sa sinadyang pagbangga ng CCG, bakit hindi pa pauwiin ang ambassador ng China? Pabalikin na rin ang ambassador ng Pilipinas sa China. Sobra na ang ginagawa ng China na pagyurak sa Pilipinas. Hindi na dapat palampasin.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with