^

PSN Opinyon

Dapat nang sumuko si Pastor Quiboloy

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HANGGANG ngayon, hinahanap pa rin ng Philippine National Police (PNP) si Pastor Apollo Quiboloy. Mahigit 2,000 pulis ang pumasok sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound noong Biyernes upang isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy at apat na iba pa. Naka-full battle gear ang mga pulis. Hindi na pumalag ang supporters ni Quiboloy nang galugarin ng mga pulis ang 30 ektaryang KOJC compound. Walang nagawa ang supporters ni Quiboloy.

Hindi naging marahas ang mga pulis sa kabila ng pag­harang ng mga supporters ni Quiboloy na nagbibitaw ng mga maanghang na salita. Panay ang kuha nila ng retrato sa mga pulis habang nagmamartsa papasok sa mga gusali sa compound. Isang miyembro ng KOJC na nagngangalang Edwin Escubido Cabatbat, 51, food vendor, ang namatay makaraang atakehin sa puso.

Bago pumasok ang mga pulis sa pamumuno ni PRO 11 Director B/Gen. Nicolas Torre III, nakipag-usap muna siya sa mga abogado ni Quiboloy. Ipinaliwanag niya na magsisilbi sila ng warrant of arrest na inisyu ng korte. Tungkulin nilang iharap sa korte ang taong nakasaad sa warrant.

Sabi ni Torre: “Sana po maiintindihan ng publiko, na ang PNP will enforce the law without fear or favor. Hindi porke mayaman ka at kayang magtago sa compound, mayroong supporters na naniniwala at sumusunod sa ‘yo kahit mali ang iniuutos mo ay hindi ka na hahanapin ng batas.”

Nagtungo rin sa lugar si PNP chief Gen. Rommel Marbil. Sabi ni Marbil, “As nation, we are all bound by the rule of law, and we must uphold these principles without exeption. This matter transcends legal obligations; it serves as a testament to the principle the no one is above the law.”

Nararapat nang sumuko si Quiboloy sa mga pulis. Huma­rap­ siya sa korte at ipagtanggol ang sarili. Patunayan na mali ang mga akusasyon sa kanya. Lumabas na siya sa pinagtataguan at nang maging mapayapa na sa lugar. Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->