^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nangangamoy ang Bu. of Immigration

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nangangamoy ang Bu. of Immigration

Maraming dapat ipaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) kung paano nakalabas ng bansa o nakatakas ang pinatalsik na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo ganundin sina Sheila Go at Cassandra Li Ong at Wesley Go gamit ang Philippine passport. Sina Sheila at Cassandra ay nadakip ng Indonesian immigration sa Batam, Indonesia noong Agosto 20. Nakatakas naman si Alice Guo at kapatid na si Wesley Go ayon sa awtoridad. Ibinalik sa bansa sina Sheila at Cassandra noong Agosto 23 at nasa kustodiya ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI). May mga kinakaharap na kaso ang dalawa. Si Sheila ay corporate secretary ng kompanyang pag-aari ng kapatid na si Alice samantalang si Cassandra ay representative ng Lucky South 99, kompanyang nagpapatakbo sa POGO sa Bamban.

Pinakamalaking katanungan ay kung paano naka­takas ang mga kontrobersiyal na taong ito na matagal nang iniimbestigahan ng Senado. Noon pa palang Hulyo 17, nakalabas ng bansa si Alice Guo. Ibig sabihin, habang nagsasagawa ng pagdinig ang Senado ukol sa kanya, wala na pala siya at gumagala na sa Malaysia, Singapore at Indonesia. Sabi ni Sen. Risa Hontiveros na nagbunyag na wala na sa bansa si Alice Guo, mistulang nag-reunion daw ang pamilya nito sa Singapore. Sumakay ng cruise ship at madalas mamasyal sa mall. Mabuti na lang at alerto ang immigration ng Indonesia at nadakma sina Sheila at Cassandra.

Bukas ay may hearing ang Senado at sinabi ni Sen. Win Gatchalian na isa sa ipatatawag ay si BI Commissioner Norman Tansingco. Marami raw dapat ipaliwanag ang BI kung paano nakatakas sina Alice Guo. Pati ang Civil Aviation Authority ay ipatatawag din dahil sa nakahihiyang pangyayari na nakatakas ang iniimbestigahang Alice Guo. Hanggang ngayon, hindi pa naaaresto si Alice Guo na pinaniniwalaang nasa Batam, Indonesia pa rin.

Maraming dapat ipaliwanag ang BI sa nangyari. Meron daw BI official na alam na ang ginawang pagtakas ni Alice Guo at mga kasama pero inilihim sa Malacañang. Dapat malaman kung sino ang taong ito. Sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na may gugulong na ulo dahil sa pagtakas ni Alice. Maaring “ulo” ng taga-BI ang sinasabi niya. Dapat masam­polan na ang BI na nangangamoy sa kabulukan. Kung walang gugulong na ulo sa pagkakataong ito, mau­ulit ang korapsiyon sa BI.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with