^

PSN Opinyon

EDITORYAL - PCG vessels mauubos dahil sa pagsira ng CCG

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - PCG vessels mauubos dahil sa pagsira ng CCG

Intensiyon ng China Coast Guard (CCG) na banggain ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) para masira. Kung masisira lahat ang PCG vessels, wala nang magiging problema. Wala nang magpapatrulya West Philippine Sea at malaya na nilang magagawa ang pag-angkin sa mga teritoryo ng Pilipinas. Wala nang makakakita ng mga ginagawa nilang pagsira sa mga corals at iba pang yamandagat. Lahat nang gusto nilang gawin, puwede.

Dalawang barko ng PCG ang nasira dahil sa labag at mapanganib na maniobra ng barko ng CCG sa Escoda Shoal noong Martes.  “unlawful and aggressive maneuvers” ng China malapit sa Escoda Shoal. Ang mga nasirang barko ng PCG ay ang BRP Cape Engeño at BRP Bagacay.

Unang binangga ang BRP Engeño dakong 3:24 ng madaling aaw habang nagpapatrulya sa Patag at Lawak Islands. Sa lakas ng pagbangga, nawasak ang kanang tagiliran ng BRP Engeño. Nagkaroon nang malaking butas at hindi na maaaring ipagpatrulya.

Sunod na binangga ang BRP Bagacay dakong 3:40 ng madaling araw. Dalawang beses binangga ang Bagacay ng CCG vessel 21551 at tinamaan ang starboard beam ng barko at nabutas. Naganap ang pagbangga malapit sa Escoda Shoal.

Subalit ang nakakatawa sa nangyari, ang China pa ang maghahain ng protesta dahil ang PCG vessels daw ang bumangga sa kanilang CCG vessel. Bukod dito naghain din ng diplomatic protest ang China dahil daw sa ilegal na pananatili ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal kahit nasa loob ng Philippine exclusive economic zone. Sila pa ngayon ang naghahain ng protesta gayung sunud-sunod ang pangha-harrass nila mapadagat at mapahimpapawid.

Noong Agosto 8, dalawang Chinese aircraft ang pumasok sa himpapawid ng bansa sa tapat ng Bajo de Masinloc at nagpakawala ng flares sa direksiyong tinutungo ng Philippine Air Force (PAF) aircraft. Nagsasagawa ng pagpapatrol sa lugar ang PAF nang biglang lumitaw ang Chinese planes at sunud-sunod na nagpakawala ng flares. Nakagugulat ang ginawang pangha-harass ng China sapagkat nagkasundo na ang mga opisyal ng Pilipinas at China sa pagpupulong sa Beijing na iwasan ang anumang hakbangin na makakapagpalala ng tensiyon sa West Philippine Sea (WPS). Hindi tumupad sa pinagkasunduan ang China.

Kung sisirain ng CCG ang PCG vessels, dapat gumawa ng paraan ang pamahalaan na madagdagan ang mga barkong magpapatrulya sa WPS. Hindi titigil ang CCG hanggat hindi nawawasak ang Philippine vessels. Mag-invest sa mga sasakyang pandagat para maipagtanggol ang teritoryo.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with