^

PSN Opinyon

Alam ng China na talo siya sa 4 na kasong ito

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Takot ang China sa pagsampa ng Pilipinas ng apat na international arbitration cases. Sabi ni Wu Shicun, president ng China National Institute for South China Sea Studies, huwag tayo hayaang maghabla. Bilang “guru” ng China sa usaping SCS, alam niyang matatalo sila.

Gawin ang ikinatatakot ng kaaway, payo ni Sun Tzu.

Ito ang apat na sakdal, ani Justice Antonio Carpio:

(1) Igiit ang 150-milyang extended continental shelf ng Pilipinas. Prinotesta ng China ang paglahad natin nito sa United Nations. Dagdag sana ito sa 200-milya exclusive economic zone.

Dumulog tayo sa International Tribunal on Law of the Sea. May batayan sa agham ang ECS natin. Mahigit 500 milya ito mula pinaka-timog na probinsyang Hainan ng China. Ibabasura ng ITLOS ang imbentong “nine-dash line” ng China. Ginawa na ‘yon ng The Hague Permanent Court of Arbitration (PCA) nu’ng 2016.

CCTO

(2) Wakasan ang pagso-solo ng China sa Panatag Shoal. Pinasya na ng PCA na “traditional fishing grounds” ‘yon ng Pilipinas, Vietnam at China. Ipalatag natin sa PCA ang alituntunin sa panahon, laki at dami ng huli. Obligahin ang China na papasukin ang ibang mangingisda.

(3) Pagbayarin ang China sa pagwasak ng 12,000 ektaryang corals sa Rozul at Escoda Reefs. Sinaway na ng 2016 PCA ruling ang pagsira nito sa Panatag, Subi, at Panganiban Shoals. Pasuway ito. Ipakwenta sa marine biologists ang halaga ng sira. Ku’ng hindi magbayad ang China, kumpiskahin ang mga negosyo nito sa Pilipinas.

(4) Wakasan ang pag-angkin ng China sa SCS. Ihabla ito sa International Court of Justice. Ipakita ang 1734 Murillo Velarde map na bahagi ng Pilipinas ang Spratlys. Ilahad ang Treaties of Paris at Washington nu’ng 1898 at 1900. Walang matandang mapa o dokumento ang China. Taon 1947 lang nito inimbento na kaniya ang Spratlys at SCS.

Huwag magpa-pikon sa dahas ng China. Talunin ito sa korte.

WU SHICUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->