^

PSN Opinyon

QC Green Awards, mas pinalawak

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Kabilang sa mga pangunahing programa ng ating lungsod ay ang pagtugon sa epekto ng climate change at pagsusulong ng disaster resiliency.

Natutuwa naman ako na maraming barangay at sektor­ ang sumusuporta sa mga inisyatibo nating ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kani-kanilang pagkilos para protektahan ang kalikasan.

Bilang pagkilala sa kanilang mga programa, sinimulan­ natin noong 2023 ang QC Green Awards, ang tanging award-giving body sa bansa na nagbibigay ng insentibo sa mga barangay, Sangguniang Kabataan, youth-based orga­niza­tions, at mga negosyo na nagpapatupad ng best practices na tutugon sa epekto ng climate crisis, at magsusulong ng disaster resiliency.

Naging matagumpay ang unang ratsada ng QC Green Awards kaya naman minabuti nating sundan ito. Opisyal na nating binuksan ang pagtanggap ng entry para sa 2024 Quezon City Green Awards, na may dalawang pangunahing kategorya—Green Category at Resilient Category.

Ang Green Category ay pagkilala sa institusyon na may malaking kontribusyon para tugunan ang climate change at isulong ang tinatawag na sustainable practices.

Ang Resiliency Award naman ay para sa mga pagkilos na nagpapakita ng kahandaan at katatagan sa harap ng mga sakuna at kalamidad.

May mga pagkakaiba ang bersiyon ng ating parangal nga­yong taon dahil binuksan natin ang Green Awards sa mga pampubliko at pribadong paaralan pati na mga institus­yong pangkalusugan.

Mula sa dating 13 awardees, the more, the merrier ang 2024 version ng ating parangal dahil nasa 48 na grupo at organisasyon na ang bibigyan natin ng parangal.

Dahil nadagdagan ang awardee ngayong taon, umaasa tayo na marami pang mga residente at mga grupo ang mahi­hikayat na sumama sa ating adbokasiya para sa kalikasan.

Maaaring manalo ang mga barangay, negosyo, ospital at paaralan ng hanggang P300,000 habang P100,000 naman ang naghihintay sa mga Sangguniang Kabataan and youth-based organization. Ang premyo ay maaari nilang gamitin para suportahan at palakasin ang mga kasalukuyan o binabalak na proyektong may kinalaman sa climate action at disaster risk reduction.

Maaaring magparehistro at isumite ang requirements sa QC Green Awards microsite (greenawards.quezoncity.gov.ph) mula Agosto 8 hanggang Setyembre 15, 2024. Pararangalan ang mga nagwagi sa seremonya na gagawin sa Nobyembre.

Ano pa ang hinihintay n’yo? Magsama-sama tayo tungo sa isang sustainable, ligtas, at luntiang bukas para sa lahat ng QCitizens!

CLIMATE CHANGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with