^

PSN Opinyon

Obrero pinagtulungang patayin ng ate at ka-live in

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Obrero pinagtulungang patayin ng ate at ka-live in
Hindi na naisalba sa pagamutan ang biktima sanhi ng mga tinamo nitong saksak at bugbog na kinilalang si Danilo Panes Alinas, residente ng nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Isang 35-anyos na construction worker ang nasawi matapos pagtulungang bugbugin at saksakin ng kanyang ate at kinakasama nito, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Olaes, GMA, Cavite.

Hindi na naisalba sa pagamutan ang biktima sanhi ng mga tinamo nitong saksak at bugbog na kinilalang si Danilo Panes Alinas, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya,bago nangyari ang krimen,alas-7:40 ng gabi sa Block 26,Lot 26, Brgy. Olaes ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ate nito na si alyas Kathrina, 40-anyos.

Matapos umano ang pagtatalo ay umalis ang biktima at nakipag-inuman sa mga kaibigan nito na kung saan ay nalaman ng kinakasama ng ate nito na si alyas Butchog, 43,construction worker, ang pag-aaway ng magkapatid .

Ikinagalit ito ng huli kung kaya hinanap nito ang biktima na natagpuang nakikipag-inuman sa labasan. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na umabot sa suntukan.

Tumakbo pauwi ang biktima at pagbalik nito ay may dala na itong improvised na baril.Nag agawan ang mga ito sa baril at dito na tumulong ang ate ng biktima hanggang sa matumba ang huli at sinaksak ng lalaking suspek.

Sinakyan pa ito ng kaniyang ate upang hindi makatayo habang sinasaksak ito at sinusuntok sa mukha ng kaniyang kinakasama.

Nang duguan at hindi na nagalaw ang biktima ay saka lamang ito binitawan ng mga suspek.Mabilis na tumakas ang lalaking suspek habang naaresto ang ate ng biktima.

Naitakbo pa sa Carsigma Hospital ang biktima,subalit hindi rin ito naisalba pa.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with