^

PSN Opinyon

Mister tinodas ng dyowa habang natutulog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister tinodas ng dyowa habang natutulog
Malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktima na kinilalang si Meng Nosi. Habang arestado naman ang kanyang kinakasama na si “Melinda”, 48, pawang residente ng naturang lugar.
Philstar.com/Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Tuluyan nang hindi na nagising ang 44-anyos na mister matapos na pagtatagain ng kanyang kinakasama habang natutulog sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay sa Sitio Agoho, Brgy. Boca Engaño, Claveria, Masbate kamakalawa ng gabi.

Malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktima na kinilalang si Meng Nosi. Habang arestado naman ang kanyang kinakasama na si “Melinda”, 48, pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi habang natutulog ang biktima ay kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agarang nasawi.

Sa tawag ng mga barangay official agad rumes­ponde ang mga pulis at naaresto ang suspek habang narekober naman ang ginamit na itak na may habang 53-pulgada.

Sa imbestigasyon ng Claveria Police, lumalabas na dahil sa selos ay nagkaroon ng mental disorder ang suspek. Pinagdududahan umano nito ang kanyang kinakasama na nakikipag-relasyon sa ibang babae.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with