9 baybayin sa bansa positibo sa red tide toxin - BFAR
MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na siyam na coastal areas sa bansa ang nagpositibo sa red tide toxin.
Kabilang sa mga nagpositibo ay ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; San Benito sa Surigao del Norte; Daram Island, Zumarraga Island at Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Silangang Samar at Cancabato Bay sa Leyte
Batay sa latest bulletin ng BFAR kahapon, nakita sa mga shellfish na nakolekta ang paralytic shellfish poison.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas above are not safe for human consumption,” nakasaad sa abiso ng BFAR.
Sakaling kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango, dapat itong linising mabuti, tanggalin ang mga bituka at hasang at tiyakin na sariwa bago lutuin.
Samantala, sinabi naman ng BFAR na wala namang red tide alert ang mga baybaying bayan ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan, at Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal) at Manila Bay.
- Latest