^

PSN Opinyon

Panawagan kay BBM

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Noong Marso 2022, itinalaga ni dating Pres. Rodrigo Duterte si Atty. Alberto A. Bernardo bilang isa sa mga komis­yoner ng Napolcom, na kumakatawan ang civilian sector, para sa anim na taon, kapalit ni Vitaliano N. Aguirre II. Siya rin ay itinalagang VCEO ng Napolcom. Bagaman ma­­aring­ iba ang nakalagay sa rekord ni Bernardo, may mga ulat na nagsasabi na siya ay midnight appointee ni Duterte dahil ang kanyang appointment ay inanunsyo lampas-lampas na sa itinakdang deadline ng batas. Ayon sa artikulo ng Rappler noong Mayo 5, 2024, si Bernardo ay nag-optional retirement, na kinumpirma niya sa isang panayam. Lumabas sa talaan ng GSIS na si Bernardo ay nagretiro noong Nob. 1, 2023.

Sa pagtatanong at pag-verify mula sa GSIS, tinatanggap na ni Bernardo ang kanyang retirement benefits. Kaya mula Nobyembre 2023 hanggang kasalukuyan, hindi na tinatanggap ng GSIS ang kanyang life at retirement premiums, at ang kanyang lagda sa mga transaksyon ng Napolcom, sa GSIS ay hindi na rin kinikilala ng ahensiya.  Ayon sa COA, ang rekord ni Bernardo sa Napolcom, ay nagpapahiwatig na siya ay nagretiro na at nahiwalay na sa serbisyo ng gobyerno. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sabay na natatanggap ni Bernardo and kanyang su­weldo at pension.

Kung tunay na nagretiro si Bernardo, sa anong kapang­yarihan at kadahilanan siya nagpapatuloy bilang Vice Chairperson at Executive Officer at bilang Komisyoner? Maaari pa ba siyang pumirma ng mga dokumento at pamunuan ang Komisyon? Ano ang moral authority ni Bernardo sa 220,000 katao ng Philippine National Police kung ginawa niya ito nang palihim upang i-circumvent ang mga batas sa civil service? Hindi ba’t ang public service ay public trust?

Ginoong Pangulo, umaasa kaming umabot ito sa iyong kaalaman. Alam namin na ang iyong puso ay handang lumaban sa kung ano ang tama at makatarungan. Binanggit mo sa iyong SONA na “ang masasama ay hindi kaila­ngan ng anumang higit pa para tupdin ang kanilang mga layunin kung ang mga mabubuting tao ay mananahimik at hindi gagawa ng hakbang”.

Bukas ang kolum na ito sa anumang paglilinaw o komento.

BERNARDO

NAPOLCOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with