E-warrant system
ANG PNP’s e-warrant system ay makabuluhan sapagkat pinadadali ang mga isasagawang police operation sa mga criminal. Ayon kay DIDM director B/Gen. Matthew Baccay, 73,337 warrant of arrests ang nai-download na sa e-warrant noong 2023.
Ayon kay PNP chief Generl Rommel Marbil, malaking bahagi nito ay naisakatuparan na ng kapulisan na nagresulta sa pakikipag-engkuwentro sa mga pugante.
Tagubilin ni Marbil sa kapulisan na mag-ingat sa pagsasagawa nito upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay. Umabot na sa 16 na pulis ang namatay at 40 pa ang sugatan sa pagsilbi ng warrant of arrest.
Kaya ang paalala ni Marbil sa mga pulis, doblehin ang pag-iingat sapagkat ang mga criminal ay walang kinikilalang batas. Isilbi nang maingat ang warrant at alerto sa mga wanted ng batas.
Samantala, usap-usapan sa Camp crame si CIDG director B/Gen. Leo Francisco dahil sa mabilis na paglutas sa pinatay na Pampanga beauty queen Geneva Lopez at nobyong Israeli na si Yitshak Cohen noong Hunyo 21. Tinutukan niya nang todo ang kaso ng magkasintahan na inilibing matapos patayin. Dalawang dating pulis ang suspect sa pagpatay.
Bukod sa kaso ng magkasintahan, nahuli rin nina Francisco ang mga gunrunner sa Mindanao kung saan napalaban sila sa mga ito. Dahil sa accomplishment ni Francisco, kumakalat ngayon sa Crame na siya ang napipisil na uupo sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Abangan!
- Latest