^

PSN Palaro

Andy Gemao bida uli sa panalo ng Gilas Boys

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pa ring mantsa ang Gilas boys matapos ang 87-53 panalo kontra sa Thailand sa 2024 SEABA U18 Qualifiers kahapon sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kumamada ng 19 puntos, 4 rebounds, 2 assists at 3 steals si Andy Gemao upang banderahan uli ang opensa ng batang Gilas tungo sa 34-point win.

Si Gemao din ang gumiya sa 97-71 panalo nila kontra sa Malaysia sa likod ng kanyang 17 puntos para sa 2-0 kartada.

Isang tiket lang sa SEABA ang nakataya para sa 2024 FIBA U18 Asia Cup sa Setyembre sa Jordan at namumuro na rito ang Gilas boys.

Huling kalaban nila ang Indonesia ngayong alas-4 ng hapon.

Naisakatuparan ng Gilas ang misyon sa tulong nina Wilhelm Lawrence Cabonilas at Carl Vincent Manding na may 17 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

May ambag naman na 8 si Marc Burgos habang may tig-7 sina Mark Esperanza at Charles Esteban para sa Gilas.

Misyon ng Gilas na maduplika ang nagawa ng Gilas U18 na pinagharian din ang SEABA noong nakaraang edisyon upang makapasok sa Asian tilt, kung saan nakakuha sila ng semifinal finish para makasampa sa katatapos lang na FIBA U17 World Cup.

Samantala, tanging si Pongsapom Srijan na may 10 puntos lang ang naka-iskor ng double digits para sa Thailand.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with