^

PSN Opinyon

Panahon ng barbaro

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

May nabigong tangkang pagpatay kay Republican Presidential candidate at dating U.S. President Donald Trump.  Naganap ito sa isang campaign rally sa Pennsylvania kahapon. Nakita ito sa footage ng television. Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at hindi namalayan ni Trump na may umaagos na dugo sa kanyang pisngi.

Tinamaan ang kanyang taynga at hindi napuruhan. Sa­lamat sa Diyos. Sa kasamaang palad, may isang inosenteng mamamayan ang tinamaan ng bala at namatay at dalawang iba pa ang sugatan.

Bumabalik ba tayo sa madilim na panahon ng mga bar­baro na ang pagpatay at paggamit ng dahas ay ipinaiiral ng mga hayok sa kapangyarihan? Iisipin ng iba, puwedeng pa­kana ito ng Democrats upang manalo ang kanilang Pre­sidential timber pero masyadong maaga pa para humusga.

Puwedeng kagagawan ito ng ibang sektor na nais siraan ang kredibilidad ng eleksyon sa U.S. Pero ano man ang mo­tibo, nakaririmarim at napakarumi nito. Sabagay, marami nang kaso ng asasinasyon sa U.S. na ang mga napapatay ay Presidente pa.

Mas mapalad tayo sa Pilipinas dahil walang nangyaring pagpatay sa nakaupong Presidente. Sinasabing ang pag­bagsak ng eroplanong sinasakyan ni President Ramon Mag­saysay noong 1957 ay sinadya ngunit hindi napatunayan.

Pero ang pagpatay ay madalas mangyari sa mga media men at mga opisyal ng pamahalaan na mababa ang ranggo.

Ngunit Presidente man o ordinaryong tao ang biktima, ito’y isang buktot na pangyayaring hindi dapat maganap.

“Let there be peace on earth and let it begin with me,” sabi ng awitin.

Hangga’t may naghaharing galit sa puso nang marami, ang intensiyong pumatay ay palaging naririyan. Isipin natin ang halaga ng kapayapaan, hindi lang para sa ating sarili kundi para sa susunod pang henerasyon.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with