^

PSN Opinyon

Ang tunay na tagapagmana

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ang kasong ito ay tungkol sa isang parselang lupa na may sukat na 350 metro kuwadrado at sakop ng titulo.  Nakare­histro ito sa pangalan ni Charito at mana niya sa namayapang mister na si Ben. Ang lupa ay orihinal na pagmamay-ari ng mga magulang ni Ben na sina Jaime at Minda.

May dalawang anak pa ang mag-asawa bukod kay Ben, sina Lina at Doming. Nang mamatay sina Jaime at Minda ay ang mga anak nila ang gumawa ng kasulatan ng paghahati ng lupa kung saan napunta nga ang nasabing parsela kay Ben na mister ni Charito.

Nang si Ben naman ang namatay ay gumawa ng kasulatan si Charito na siya ang solong tagapagmana ng lupa. Isang bagong titulo ang nilabas sa ngalan ni Charito, nang malaman ni Doming na kapatid ni Ben ang tungkol sa ­paglilipat ng lupa ay agad naman na nagsampa ng reklamo ang lalaki para kanselahin ang titulo at ibigay sa kanya ang kalahati ng lupa.

Ayon kay Doming ay peke ang salaysay (affidavit of self-adjudication) dahil noong namatay si Ben ay siya kasama nina Charito at Lina ang dapat na tagapagmana dahil nga kapatid nila ang lalaki. Iyon nga lang ay gumawa ng kasulatan ng pagsuko ng karapatan o Deed of Waiver of Rights si Lina kaya sila na lang ni Charito ang dapat na magkahati sa lupa.

Sa kanyang parte ay ipinipilit ni Charito na esklusibo niyang pagmamay-ari ang lupa dahil binili niya ito gamit ang sariling pera. Hindi rin daw lehitimong kapatid ni Ben si Doming kaya nagsampa ng kontra reklamo si Charito para maghabol ng danyos kay Doming dahil sa pagsasampa ng malisyoso at walang basehan na kaso laban sa kanya.

Matapos ang paglilitis at makapagpakita ng katibayan ang bawat panig ay naglabas ng desisyon ang RTC pabor kay Charito at inutusan si Doming na magbayad ng danyos, gastos sa abogado at gastos sa korte.

Ayon sa desisyon ng RTC, hindi raw sapat ang hatian ng mana o extrajudicial settlement of estate para patunayan na isa nga sa mga kapatid ni Ben si Doming. Parehas ang naging hatol ng CA pero tinanggal ang danyos sa desisyon. Nang umapela sa SC ay parehas ang naging hatol nito sa CA. Ang mga argumento daw ni Doming ay tumutukoy sa mga tanong na may kinalaman sa katotohanan na hindi sakop sa apela sa CA. Pinal na raw at hindi na mababago ang mga hatol lalo at suportado ng ebidensiya.

Ang tanong naman tungkol sa aplikasyon ng batas ay may kinalaman lang sa pagdududa kung ano ang umiiral na batas base sa inilahad na katotohanan. Ang kuwestiyon naman sa kung ano ang totoo ay base sa katotohanan o kasinungalingan na inilahad.

Sa mga kasong sibil, ang responsibilidad sa pagpapatunay ng ebidensiya ay nasa nagrereklamo. Siya ang may obligasyon na maghain ng ebidensiya at titimbangin ng korte ang bigat o halaga nito. Mananalo kung sino ang mas may mabigat na ebidensiya o kukumbinsi sa korte na paniwalaan sila kumpara sa nakahaing ebidensiya ng kalaban.

Si Doming ang may tungkulin na maghain ng ebidensiya para patunayan na kapatid siya ng namatay na si Ben. Pero sa kasamaang-palad ay hindi siya nakapaghain ng pruweba. Walang nakasulat na rekord na kahit anong ebidensiya na magpapatunay na magkapatid ang dalawa. Dapat ay nagsumite man lang siya ng mga birth certificate para masabi na pareho ang nanay at tatay nila ni Ben.

Kaya tama lang ang desisyon ng CA na binabasura ang apela ni Doming. Pero hindi ito balakid kung sakali at magsasampa siya ng reklamo sa tamang hukuman para kuwestiyunin ang pagsasalin ng mana para lang maisingit na isyu ang determinasyon kung sino ang mga tunay na tagapagmana ng mga magulang ni Ben.

Ito kasi ang magiging basehan sa determinasyon kung sino naman ang maaaring maging tagapagmana ni Ben. Tulad ng dati, pinabubura pa rin ang hatol tungkol sa pagbibigay ng danyos o exemplary damages (Caranto vs. Caranto, G.R. 202889, March 2, 2020).

vuukle comment

CA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with