^

PSN Opinyon

Zubiri sumuway sa nais ng ‘makapangyarihan’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Zubiri sumuway sa nais ng ‘makapangyarihan’
Pamamaalam ni Zubiri
Senate

TINAMAAN si Miguel Zubiri sa crossfire sa away ng mga kampong Marcos at Duterte. Tinanggal siya bilang senate president nu’ng May 20 at pumalit si Francis Escudero.

Labinlimang senador ang naglaglag kay Zubiri at nagluklok kay Escudero. Inamin ni Zubiri na inalis siya dahil hindi siya sumunod sa kagustuhan ng “matataas na kapangyarihan”. Pinanindigan daw niya ang pagiging independyente ng senado.

Pahiwatig ni Zubiri na sina President Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez ang sinuway niya. Hindi nila nagustuhan ang kilos niya sa dalawang isyu. Una, kinontra niya ang People’s Initiative na isinusulong sa kamara de representantes para bahugin ang konstitusyon. Ikalawa, hinayaan niya ang imbestigasyon ni Senator Ronald Dela Rosa sa umano’y pagka-adik ni BBM sa cocaine.

Si Dela Rosa ay kakampi ng mga Duterte, na nais patalsikin sina BBM at Romualdez.

Inamin naman ni Escudero na siya ang nagpasimuno sa pagtanggal kay Zubiri. May 18 nang magkita sila nina BBM at Romualdez sa isang event. Wala raw silang pinag-usapang pulitika. Pero kinabukasan hiningi raw niya ang suporta ng 15 senadores.

Kontra Charter Change si Escudero. Pero nu’ng maluklok na senate president, nangako siyang kokonsultahin ang mayorya ng senado. Ibig-sabihin, kung nais ng mayorya, sasayaw siya ng Cha-Cha.

Nangyari lahat ‘yan sa gitna ng tatlong sigalot. Una, tumitindi ang pambu-bully ng China sa West Philippine Sea. Ikalawa, nagmamahal ang mga bilihin, lalo na bigas, isda, karne, gulay at gatas. Ikatlo, kinakapos ang kita ng mayor­yang Pilipino; maraming walang trabaho.

Nananaig ang pulitika kaysa mga isyung pambansa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MIGUEL ZUBIRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with