^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming trabaho para sa OFWs?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maraming trabaho para sa OFWs?

Noong nakaraang taon, naitala na 6,800 Pilipino ang umaalis sa bansa para magtrabaho sa ibang bansa, ayon sa grupong Migrante. Pinagbatayan ng Migrante ang 2.5 million overseas employment certificate (OEC) na iniisyu sa OFWs na umaalis sa bansa.

Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW) nakapag-deploy ang Pilipinas ng 2,330,720 land- and sea-based migrant workers noong 2023. Ito umano ang pinakamataas na naitala makaraan ang pandemya. Bago ang pandemya, nakapagtala ang DMW ng 2,156,742 OFWs na na-deployed.

Sa kasalukuyan, wala pang ipinalalabas na bagong tala ang DMW sa mga na-deployed ngayong 2024. Pero kahit hindi na magsagawa ng bagong pagsasaliksik sa rami ng mga umalis na OFWs, tiyak na marami ito at nalampasan ang dami ng nakaraang taon. Tiyak na dumami pa ang mga Pinoy na nagha­hangad makaalis sa bansa at makapagtrabaho abroad para magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Ang pagiging OFW ang tanging paraan para maiangat kahit paano ang buhay.

Nangungunang bansa na destinasyon ng Pinoys ay ang Saudi Arabia, UAE, Kuwait, Qatar, Hong Kong at Singapore. Marami ring Pinoys sa Italy, Britain, Israel at iba pang bansa sa Europe. Kamakailan lang, inihayag ng Germany na nangangailangan sila ng mga Pinoy nurses at caregivers.

Marami rin namang OFWs na edad 60 ang nanga­ngambang pauwiin na ng ilang bansa katulad ng Saudi Arabia. Naghihigpit na ang Saudi at lahat ng OFWs na naabot na ang 60-anyos ay awtomatiko nang tinatapos ang kontrata. Problema ito ng OFWs na nagsabing ma­lakas pa naman sila at kayang-kaya pang magtrabaho pero kailangan nang mag-finished contract dahil iyon ang nasa batas ng pinagtatrabahuhang bansa.

Pero may sagot dito ang gobyerno. Sabi ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkules na palalakasin nila ang programa sa retraining ng mga nagbabalik na OFWs partikular ang nawalan ng trabaho o hindi na nakabalik sa trabaho dahil sa maraming dahilan. Sabi ni Marcos, marami sa OFWs ang nahihirapang maghanap ng trabaho sa kanilang pag-uwi. Ginagawa raw ng gobyerno ang lahat ng makakaya upang maisama silang muli sa lokal na manggagawa.

Sabi pa ni Marcos, tungkulin nilang maghanap ng trabaho para sa mga bumalik na OFWs. Binanggit din ni Marcos ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) Project, isang programa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa anumang dahilan.

Sana nga mangyari ang ganito. Tulungan ang mga nagbabalik na manggagawa. Hindi sana imahinasyon lang na maraming naghihintay na trabaho sa mga OFWs.

OEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with