^

PSN Opinyon

35,000 #ProudMakatizen studes may grocery package

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Trending na naman sa social media ang mga unboxing­ videos at pasasalamat posts ng ating mga mag-aaral at ang kanilang mga pamilya. Happy tummy na naman daw ang kanilang mga chikiting sa bonggang pa year-end gro­cery package namin para sa lahat ng mag-aaral na public­ school na nakumpleto ang school year 2023-2024. Ka­sama sa 35,371 na nakatanggap ang Special Education (SPED) learners at talaga namang excited sila nang mala­mang simula na nga ng distribusyon noong May 21.

Hindi naman na bago ang programang ito dahil school year 2020-2021 pa lang ay nasimulan na namin ito. Para sa akin, munting regalo ito at incentive para sa mga estud­yante na halos 10 months din namang napuyat at nag­pur­siging matapos ang kanilang lessons at assignments. Isama mo pa rito ang pagpasok kahit umuulan o itong mga nakaraang linggo na sobrang init. O di ba naman, dasurv na dasurv naman nila ang mabigyan ng isang grocery bag na puno ng masasarap na pagkain na puwede nilang ipang-almusal o kaya ay meryenda ngayong bakasyon.

Hindi lang ‘yan para sa kanila, puwede ring i-share sa mga kapamilya at mahal sa buhay dahil good for sharing­ ang mga portions na aming ibinigay. Magkaiba ang grocery packs natin para sa elementary at high school students. Ang grocery bag ng mga bata ay mayroong dalawang packs ng champorado mix, isang pack ng arroz caldo mix, isang pack ng hotcake mix, limang sachets ng instant oatmeal, 12 sachets ng chocolate drink, isang pack ng full cream milk powder­, isang pack ng breadsticks, isang pack ng saltine crackers, dalawang packs ng chocolate cereals, dala­wang packs ng bread toast, dalawang packs ng cho­colate flakes, isang pack ng chocolate biscuits, dalawang packs ng raisins, isang pack ng fruit-flavored jelly, at isang T-shirt.

Para naman sa junior at senior high school students, nagla­laman ang bawat grocery bag ng dalawang packs ng cham­porado mix, isang pack ng saltine crackers, isang pack ng hotcake mix, isang pack ng arroz caldo mix, anim na sachets­ ng instant oatmeal, isang pack ng full cream milk powder, walong packs ng instant canton noodles, isang block ng cheese, isang lata ng pineapple juice, isang lata ng pine­apple tidbits, at isang T-shirt. Kita n’yo naman di ba, sa rami at sa quality ay hindi tinipid ang aming grocery packs para sa mga bata. Masustansya ang mga pagkaing aming pinili at hindi agad agad masisira. Bukod pa rito, pinag-aralan naming mabuti kung ano ang mga pagkaing swak sa panlasa ng mga chikiting at teenagers natin.

May 19,750 packs ang inihanda namin para sa primary level habang 15,621 packs naman ang sa secondary level. Sa ngayon ay naipamigay na ang grocery packs sa 16 public elementary schools at walong high schools sa buong lungsod. Sa maliit na paraang ito ay nakapagpasaya tayo ng mga estudyante at magulang para sa isa na namang school year at job well done. Sa mga batang nakapagtapos ng taong ito na matataas ang grado, very good kayo! Para naman sa mga sakto lang ang naging performance, huwag malungkot…puwedeng-puwede pang bumawi at mas galingan sa susunod na mga taon.

Nasa inyo ang lahat ng oportunidad at pagkakataong i-improve ang inyong mga sarili at baguhin ang kwento ng inyong buhay. Kami naman ay nandito lang para umalalay at ibigay ang sa tingin namin ay makakatulong para sa inyong pag-unlad.

Strive to be better, ProudMakatizen students!

vuukle comment

PAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with