^

PSN Opinyon

Alagang pusa, aksidenteng naisilid sa kahon na ipinadala pabalik sa online store!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang alagang pusa sa Utah, U.S.A ang anim na araw na nakulong sa isang kahon na naglalaman ng mga isinauling online shopping goods.

Noong Abril 10, nabahala sina Carrie Clark at ang kan­yang mister nang hindi na nila mahanap ang alaga nilang pusa na si Galena. Nang makasigurado sila na wala ito sa kanilang bahay, hinanap nila ito sa kanilang neighborhood ngunit hindi nila ito makita. Nanawagan na sila sa social media at nagdikit na sila ng mga missing posters nito sa kanilang lugar pero tuluyan na itong nawala.

Isang linggo matapos mawala ang kanilang pusa, naka­tanggap ng tawag si Carrie mula sa isang beterinaryo mula sa Los Angeles. Ayon dito, napulot si Galena ng isang trabahador ng Amazon warehouse. Natagpuan nito ang pusa na nasa loob ng kahon na naglalaman ng mga sapatos.

Biglang natandaan ni Carrie na noong araw na nawala si Galena ay isinisilid nila sa isang malaking box ang ilang pares ng boots na isasauli nila sa online shopping website na Amazon. Mayroon kasing promo ang naturang website na tinatawag na “Try Before You Buy” kung saan magpapadala ito ng ilang style at size ng sapatos o damit at maaaring isauli ang hindi kasya o hindi nagustuhang style.

Ayon kay Carrie, matapos nilang malaman ang nangyari kay Galena, umiyak silang mag-asawa dahil naawa sila sa dinanas ng kanilang alaga. Agad sumakay ng eroplano papunta sa Los Angeles ang mag-asawa para sunduin si Galena.

Pagdating sa LA, nakilala nila si Brandy Hunter ang Amazon employee na nakatagpo kay Galena. Ayon dito, nang makita niya ang pusa sa loob ng kahon, uhaw at gutom ito pero sa kabutihang palad ay wala itong na­tamong injury. Inuwi niya muna ito sa kanilang bahay at pagsapit ng umaga ay dinala niya ito sa isang beterinaryo na siyang kumon­tak sa mag-asawa.

Malaking pasasalamat ng mag-asa­wang Clark kay Hunter at ipinangako ng mga ito na magiging maingat na sa tuwing mag-iimpake sila nang malaking kahon sa kanilang bahay.

Ang pusa na si Galena na nakulong sa kahon na naglalaman ng mga isi­nauling online shopping goods.

vuukle comment

CLARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with