^

PSN Opinyon

Benefits sa breast cancer pinalawak ng PhilHealth

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

May dahilan para magalak ang mga pasyenteng may breast cancer na kasapi sa PhilHealth. Opisyal nang inanunsiyo ng ahensiya ang pagtataas sa benepisyo para sa mga may ganitong karamdaman sa inilabas na circular 2024-0007 noong Marso 24 ng taong ito at nagkabisa na mula pa noong katapusan ng nasabing buwan.

Saklaw ng naturang policy ang surgery o operasyon, gamot na kakailanganin at ang mga gagawing therapies. Layon nito na mabawasan ang pasaning pinansiyal at mag­karoon ng napapanahong pagtukoy sa sakit upang ma­agap na magamot. Malaking bentahe ito sa mga pasyente at kanilang pamilya.

Patunay ito na isinusulong ng PhilHealth ang commit­ment nito na palawakin ang benepisyo para sa mga mi­yem­­bro alinsunod sa itinatadhana ng Universal Health Care Law. Ang enhanced package ay nakasandig sa progra­mang Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mama­mayang Pilipino na inilunsad ng ahensya.

Ang mga kuwalipikadong pasyente ay maaaring maki­nabang sa Z benefit for Breast Cancer na sasagot sa ka­ni­­lang gastusin hanggang Php 1.4 milyon. Sa napapanahong hakbang na ito ng PhilHealth, talagang damang-dama na ng mga miyembro ang benepisyo.

Sakop ng pakete ang diagnostic tests, surgery, gamot at therapy na kakailanganin ng pasyente. Dati, tanging ang mga kaso ng cancer na nagsisimula pa lang ang sakop ng benepisyo. Ngayon, kasama na rin ang mga malalang kaso ng breast cancer (stage 3 at 4), maging yang mga kasalu­kuyan nang ginagamot basta pasado sa mga criteria na nakasaad sa guidelines.

Ang mga benepisyong ito ay matatamo ng mga pa­s­yente o miyembro ng kanilang pamilya mula sa mga kinon­tratang ospital at pasilidad ng PhilHealth. Upang ma­laman ang mga facilities na ito, magtungo lang sa website ng PhilHealth sa www.philhealth.gov.ph. o tumawag sa PhilHealth Action Center sa (02) 8662-2588. Maaaring tawagan ang numerong ito kahit kailan o anumang oras (24/7).

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with