^

PSN Opinyon

Rurok ng katraydoran

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Habang suportado ng ibang bansa ang Pilipinas laban sa ginagawang pang-aabuso at pananakot ng China sa Pili­pinas sa usapin ng West Philippine Sea, may mga kapwa  Pilipino tayo na umaayon pa sa kasinungalingan ng China. Tayo raw ang nanghihikayat sa China na makidigma sa atin.

Ang masakit, dating Presidente pa ng ating bansa ang umaaktong galamay ng China para maisulong nito ang pana­nakop sa ating bansa. Iyan si Rodrigo Duterte.

Dati, 9-dash lang ng ating exclusive economic zone ang inaangkin ng China na kalaunan ay naging 10-dash line at ngayo’y umabot na sa 11-dash line. Pinalilibutan na ng claim ng China ang malaking bahagi ng Pilipinas at kung nagpu­protesta ang pamahalaan ay kinakatigan pa ng dating spokesman ni Duterte ang linya ng China na tayo ang nag­pasimula ng gulo.

Kailan pa naging instigation ng gulo ang pagdepensa sa soberenya ng ating bansa? Ngayon, gusto pa ng paksyon ni Duterte na bumaba na sa puwesto si Marcos.

Kung papalitan nga naman ni VP Sara Duterte si Marcos­, maisusulong ng China, sa tulong ng mga Duterte na sa­kupin ang buong Pilipinas. Napakalinaw ng game plan na iyan. Mga kapwa Pilipino gusto ba ninyong mangyari iyan?

Sana, ang mga nahihikayat ni Duterte ay makapag-isip bago maging huli ang lahat. Isa lang ang puntirya ni Duterte­ at ito ay magbalik sa kapangyarihan at magampanan ang commitment nito sa minamahal niyang China.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with