^

PSN Opinyon

Hunyango si Sara

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa kainitan ng pagbatikos ni dating President Rodrigo Duterte kay President Ferdinand Marcos Jr., lumantad sa publiko si Vice President Sara na kanyang anak upang sabihing nananatili ang pakikiisa niya sa Presidente. Aniya, hindi raw nalalansag ang kanilang Unity Team.

Ngunit sa malaking rally sa Davao na nananawagan sa pagbibitiw ni Marcos Jr. sa puwesto, nandun siya kasama ng kanyang ama. Nagkaisa sa matinding pagbatikos kay Marcos. Wala akong tutol kung ang isang pulitiko ay kumakalas sa dating kaalyado basta’t may marangal na dahilan.

Ngunit ang nakakakulo ng dugo ay ang kaipokritahan at kasinungalingan. Mas igagalang ko pa siya kung bago tumuligsa sa Presidente ay nagbitiw muna siya sa kanyang Cabinet position na DepEd Secretary. Iyan ang ga­gawin ng isang taong may prinsipyo at hindi lamang nag­susulong nang makasariling interes.

Si Sara ay potensiyal na maging susunod na Presidente sa susunod na halalan. Maaari ring mapaaga ang pag-upo niya sa Palasyo kung magtatagumpay ang kanyang grupo na maglunsad ng people power revolt laban kay Marcos.

Pero sana, mag-isip mabuti ang taumbayan bago makumbinsi sa ganyang panghihikayat. Sana, may lumutang pang mas karapat-dapat na personalidad na mamumuno sa ating bansa sa darating na eleksyon.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with