^

PSN Opinyon

Anti-Japs movies sa You Tube

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY napansin ako sa mga ipinapalabas na pelikula sa YouTube. Karamihan ay mga Chinese war films hinggil sa pana­nakop ng mga Hapones sa China at siyempre, laging bida ang mga Intsik.

Kahit armado ng mga baril at makabagong sandatang pandigma ang mga Hapones, laging wagi ang mga Chinese kahit ang sandata ay puro patalim lang at mga baril at granadang masamsam sa mga napapatay nilang Hapones.

Walang pinag-iba sa mga pelikulang Pilipino na trak-trak na sundalong Hapones ang kayang itumba ni Fernando Poe Jr. kahit nag-iisa. Parang Pinoy film din ang estilo ng takbo ng istorya sa Chinese films.

Napapatawa tuloy ako. Akala ko tayong mga Pilipino lang ang umaabuso sa ganitong cinematic license.

Pero bakit napakaraming ganitong pelikula ang ipinala­labas sa You Tube? Hindi kaya upang ipakita sa daigdig, lalo na sa Pilipinas na pumapalag na sa ginagawang pambu-bully nito na ingat tayo sa ating ikinikilos sa West Philippine Sea?

Marahil imahinasyon ko lang ito pero totoo naman na pagdating sa tunay na digmaan, wala tayong binatbat sa China maliban na lang kung may tumulong sa ating super­power gaya ng US of A.

Kaso may laban o wala, mukhang determinado ang China na angkining ganap ang teritoryong pangkaragatan sa WPS na kinikilala ng Community of nations na mayroon tayong exclusive rights dahil bahagi ng ating Exclusive Economic Zone. Sa ngayon, worse comes to worst, wala tayong masasandalan maliban sa umiiral na Mutual Defense Treaty sa U.S.

Pero papaano kung puro armas pandigma lang ang ibigay sa atin ni Uncle Sam at bahala na tayong lumaban?  Ginawa iyan ng U.S. sa Ukraine, malamang gawin din ito sa atin.

vuukle comment

MOVIE

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with