^

PSN Opinyon

Baka magkapikunan na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALIGAYANG Pasko ng Pagkabuhay sa lahat. May mga naganap na insidente bago mag Semana Santa na kaila­ngang matukoy.

Noong isang linggo, habang naghahanda ang bansa para sa Semana Santa, ginamitan muli ng Chinese Coast Guard (CCG) ng water cannon ang Unaizah May 4 (UM4) na mag­dadala ng mga suplay sa Ayungin Shoal. Unang kumilos ng peligroso ang malaking barko ng CCG. Kitang-kita sa video kung paano sinadyang dumikit sa harap ng UM4 ang CCG.

Ayon sa mga tauhan sa UM4, malakas ang pressure ng water cannon na ginagamit sa kanila. Malaki ang danyos na natamo ng UM4 sa dalawang rotation at resupply na misyon itong buwan. Nabasag ang mga salamin at may mga nasaktan noong Sabado kaya nagtungo ang BRP Cabra at BRP Sindangan para magbigay ng tulong. Ganunpaman, pina­ligiran din sila ng mga CCG pati ng mga maliliit na barko ng Chinese militia.

Naging matagumpay naman ang misyon sa BRP Sierra Madre. Nagbabala ang China na mapanganib na landas ang tinatahak ng Pilipinas dahil sa mga panliligalig at provokasyon na ginagawa at nagiging sanhi ng tensyon sa South China Sea. Tayo pa ang may kasalanan? Nagpahayag naman si President Bongbong Marcos Jr. na bagama’t hindi humahanap ng away ang Pilipinas sa anumang bansa, hindi tayo madadaan sa takot. Hindi tayo susuko.

Lumabas naman na may kasunduan umano si dating President Duterte at Beijing sa mga misyon patungong Ayu­­ngin Shoal. Pero tubig at pagkain lang daw ang puwedeng dalhin doon, at hindi gamit at materyales para ayusin ang sira-sirang barko. Nagdadala raw ng mga materyales ang mga misyon ngayon, kaya raw ganyan ang kilos ng China. Dagdag pa ni Roque, usapan lang daw iyon at walang pormal na kasunduan.

Talagang lahat pabor sa China. Ano pala ang inisip ni Duterte? Hintayin na lang gumuho ang BRP Sierra Madre kung sumang-ayon siya na walang magdadala ng mater­yales para ayusin ang barko?

Hindi nga umaatras ang Pilipino sa mga ganyang sitwasyon. Pero pasama nang pasama ang kilos ng China pati na mga banta nito. Baka magkapikunan sa dagat at mauwi sa hindi kanais-nais. Maraming bansa ang bumatikos sa kilos ng China. Pero wala namang pakialam ang China sa mga salita.

Baka ang dapat gawin ay humiling sa U.S. Navy na maglayag sa Ayungin at Panatag Shoal. Para ipakita sa China na seryoso ang U.S. sa kasunduang ipagtatanggol ang Pilipinas kung maging biktima ng karahasan.

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with